Filtered By: Showbiz
Showbiz

It’s a girl for Robin Padilla and Mariel Rodriguez!


Matapos ang tatlong buwan mula nang ianunsyo niya ang kaniyang pagdadalang-tao, ibinahagi na ng TV host na si Mariel Rodriguez at ng kaniyang asawang si Robin Padilla nitong nakaraang linggo ang magiging kasarian ng kanilang anak.

“For some reason, si Robin, never siya naniwala na boy. Lagi niyang sinasabi, 'Are you sure it's a boy?' Tapos, after a while, the doctor told me na I'm going to have a girl,” kuwento ni Mariel sa gender-reveal-party nitong Sabado.

Dugtong ni Robin, “Hindi ako nagkamali. Hindi pa siya nagpapacheck-up, pakiramdam ko talaga, babae. Iba ang aura niya, eh.”

 

ABOUT LAST NIGHT. Robin & Mariel REVEAL their baby's gender in this clip. #mariellovesaprica @apricaph

A video posted by YES! Magazine (@yes_magazine) on

 

Bukod sa pagbabahagi ng magiging kasarian ng kanilang anak, ipinagdiriwang din ng mag-asawa ang kanilang 6th wedding anniversary, pati na ang 32nd birthday ni Mariel.

Sa naunang panayam, sinabi ng excited mom-to-be na nakapag-isip na rin sila ng ipapangalan sa kanilang anak.

“If it's a girl, he wants it to be after me—Maria. Maria kasi ako talaga. And then if it's a boy, I will name it after him also. But because Robin's son Ali is Robinhood Jr., siya na 'yung Junior. Robin's name is Robinhood Fernando Carino Padilla. I'm gonna get the Fernando,” aniya.

Matatandaang dalawang beses nagkaroon ng miscarriage si Mariel noong Marso at Agosto 2015.

Nang makunan si Mariel noong Agosto, triplet ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Maselan at sensitibo man ang kaniyang pagbubuntis ngayon, nagpapasalamat ang TV host na nananatili ang magandang kalusugan niya at ng kanilang baby.

Pagtatapos ni Mariel, “Got a strong baby here... just like daddy!"
Please use attached photo as thumbnail. From marieltpadilla (IG). Thanks! — Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News