Sunshine Dizon talks about the ‘Don’t get mad. Get beautiful’ campaign: It’s not revenge
Kapansin-pansin nitong mga nakaraang linggo ang gumagandang pangangatawan ng Kapuso actress at "Encantadia" star na si Sunshine Dizon.
Aniya, maliban sa diet, malaki rin ang pasasalamat niya sa sikat na celebrity dermatologist na si Dra. Vicki Belo.
"Wala pong sikreto. Just go to Belo! This is Body by Belo, so thank you very much to Dra. Vicki," aniya sa panayam ng GMA News.
Dagdag pa ni Sunshine, "This is diet alone and all the procedure I went through under Belo. We started six months ago. Ang laser liposuction talaga, you see the end results after three to four months. Kaya feeling ng mga tao noon, hindi pa ako ganoon kapayat. Ito na ang final result."
Bida ngayon ang aktres sa "Don't Get Mad. Get Beautiful" campaign ng Belo Medical Group, at tila sumakto nga raw ito sa pinagdadaanan niya sa buhay.
Matatandaang nagharap sa piskal ang Kapuso actress at ang kaniyang asawang si Timothy Tan ngayong buwan kaugnay sa inihain concubinage complaint at paglabag sa violence against women and children's act ni Sunshine laban sa kaniyang asawa.
Aniya, "The slogan says ‘Don’t get mad. Get beautiful.’ When we started this project, nagkataon na may pinagdadaanan ako. When the endorsement was first offered to me, to be honest, maayos pa kami ng asawa ko noon. But since may nangyari na nga, we just started to turn the path into a good one."
Nais niya umanong maging inspirasyon sa mga kababaihang mayroon ding masalimuot na pinagdaraanan.
Gayunpaman, itinanggi niyang isa itong uri ng paghihiganti sa kaniyang asawa.
"Just empower all the women out there. Hindi nila kailangang magmukmok o umiyak. They can do something to better themselves and really push through. Dra. Vicki really wants to empower all women out there, and not only women who are going through what I’m going through. The slogan is for everybody," ayon sa aktres.
Dagdag pa ni Sunshine, "I don’t want to call it revenge kasi I’m not doing this for them. I’m doing this for myself."
A photo posted by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on
Nagpapasalamat si Sunshine sa lahat ng mga nagpapaabot ng suporta at pagmamahal sa kaniya at sakaniyang mga anak kasabay ng problemang pinagdaraanan ng kanilang pamilya.
Ayon sa Kapuso actress, "Nakakataba ng puso na in spite of what is happening in my life, napaka-positive ng outcome pa rin. Sabi ko nga, hindi na lang ito para sa akin. Para na ito sa nakararami who look up to me."
"I serve as an inspiration to them na siya, artista, lumaban siya at may ginawa siya about it. If this will inspire them, then it’s a good thing," pagtatapos niya. — RSJ, GMA News