ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Ballesteros is a stunning transgender in ‘Die Beautiful’


Ipinasilip na ng direktor na si Jun Robles Lana ang kauna-unahang teaser ng “Die Beautiful,” ang independent film na pagbibidahan ng Kapuso host-actor at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Paolo Ballesteros.

Sa naunang pahayag, sinabi ni Paolo na gaganap siya bilang isang Filipino trans-woman na hiniling na mailibing siya nang nakadamit pambabae.

Gayunpaman, magkakaroon ng problema nang tumutol rito ang kaniyang konserbatibong Filipino-Chinese family, habang buo naman ang suporta sa kaniya ng mga kaibigang drag queens.

“A glamorous life deserves a fabulous death,” ayon sa tagline ng pelikula.

Maliban sa “Die Beautiful,” nakatakda ring bumida si Paolo sa “Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend?” kasama sina Dennis Trillo at Anne Curtis.

Kailan naman kaya siya muling mapapanood sa “Eat Bulaga!” bilang si Lola Tidora?

“Sa tamang panahon. Babalik na. Malapit na. See you soon,” maikling sagot ng Kapuso host-actor. — DVM, GMA News