ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

‘Eat Bulaga!’ Dabarkads, It Girls gather for Adrien Semblat-Isabelle Daza wedding in Italy


Ikinasal na nitong Sabado, September 10, ang host-actress na si Isabelle Daza at ang kaniyang French boyfriend na si Adrien Semblat sa isang simpleng San Francesco Church wedding sa Tuscany, Italy.

Maliban sa kani-kanilang pamilya, dumalo rin ang malalapit nilang mga kaibigan mula sa loob at labas ng showbiz.

Naroon ang mga tinaguriang “It Girls” ng Pilipinas, kabilang sina Solenn Heussaff at Georgina Wilson, na ikinasal rin ngayong taon.

Hindi rin pinalampas ng ilang “Eat Bulaga!” Dabarkads, kabilang sina Pia Guanio at Julia Clarete, ang espesyal na araw na ito para kay Belle, na naging host ng longest-running Filipino noontime show sa loob ng higit sa dalawang taon.

Dumalo rin sa kasal si former senator Bongbong Marcos, na siyang naghatid kay Belle sa altar matapos pumanaw ang ama ng aktres nitong nakaraang Hulyo.

Ilan pa sa celebrities na nakisaya sa kasalan sina Anne Curtis, Liz Uy, Tim Yap, Kim Atienza, Rajo Laurel, Raymond Gutierrez, Erwan Heussaff, Nicole Anderson, at marami pang iba.

 


 

 

— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News

Tags: isabelledaza