ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Heart Evangelista does her own make-up


Hindi maikakailang isa ang Kapuso actress at "Juan Happy Love Story" star na si Heart Evangelista sa pinakamagagandang babae sa showbiz mula sa kaniyang henerasyon.

Aminado si Heart na bata pa lamang siya ay nababansagan na siyang "kikay" dahil sa kaniyang hilig sa pagpapaganda.

Mula sa iba't ibang eksperimento pagdating sa pamimili ng make-up na kaniyang gagamitin, unti-unti umanong natuto ang aktres ng ilang "make-up secrets" at tamang techniques.

Kamakailan lamang, ipinasilip ng aktres ang kaniyang sariling make-up routine para sa isang espesyal na event-- ang opening day ng "Carry Your HeART" painted bags exhibit, kung saan itatampok ang ilang luxury bags na pinintahan niya.

Ayon kay Heart sa naunang panayam, “My style now is very basic, classic look. I love black, white, and nude! When I look back 12 years ago, I go 'nakakahiya!' but now, I think I can look back and say, 'Ah, I like what I as wearing.'”

Ano ang kaniyang maipapayo sa katulad niyang "make-up girl"?

“I think it's important to have the right shade of lipstick. It totally changes the look. Hindi naman kailangan na lagi kang super made up. Lipstick will do the trick,” pahayag ng Kapuso actress. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News