ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
DINGDONG'S NICKNAME IS 'JOSELITO'

'Alyas Robin Hood' stars share their own childhood aliases


Tulad ng bida sa “Alyas Robin Hood,” mayroon ring mga nakakatuwang palayaw ang mga bida sa pinakabagong Kapuso Primetime series.

Ayon sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, o Jose Sixto Dantes III sa tunay na buhay, may espesyal na bansag sa kaniya ang mga taong malalapit sa puso niya.

"Joselito. Isa talaga sa nickname ko, pero just to a certain group of people,” kuwento ni Dingdong sa panayam ng GMA News at iba pang miyembro ng press.

Saan naman nanggaling ang palayaw niyang Dingdong? Aniya, "Dingdong, nickname ko talaga ‘yun. Bigay sa akin ng tatay ko.”

 

Agostodos

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

 

Kakaiba naman ang palayaw ng isa sa mga leading lady ng programa na si Andrea Torres.

Aniya, nabuo ang kaniyang alias dahil sa pagiging pilya niya noong kaniyang kabataan. "Ada Bad Bad, kasi maldita ako noong bata ako. Lagi ako nakasimangot,” natatawang kuwento ng Kapuso actress.

Dagdag pa niya, "Ngayon, sabi ng mommy ko, good good na raw."

 

A photo posted by Andrea Torres (@andreaetorres) on

 

Samantala, tila isang pang-asar naman ang naibigay na palayaw kay Miss World 2013 Megan Young noong bata pa siya,

Kuwento niya, "Ang alyas nila sa akin noong bata ako ay Ate Bulate. Para akong may bulate sa tiyan sa sobrang payat ko… Sobrang payatot, labas ang buto. Kahit kumakain ako ng marami, payat pa din. Sobrang tinutukso ako. Mayroong Olive Oyl, mayroong Tingting.”

Nasasaktan kaya ang Kapuso actress sa panunukso sa kaniya?

"Noong bata ako, parang ‘Bakit naman ganoon ang nickname ko?’ But as you grow older, it’s something to look back on and laugh about,” ayon kay Megan.

 

A photo posted by Megan Young (@meganbata) on

 

Maliban kay Dingdong, Megan, at Andrea, biida rin sa programa ang mga batikang artistang sina Cherie Gil, Sid Lucero, Christopher de Leon, Christopher de Leon, at Cannes Film Festival 2016 Best Actress Jaclyn Jose.

Bahagi rin ng cast na magbibigay-buhay sa kuwento sina Paolo Contis, Gary Estrada, Dennis Padilla, John Feir, Tanya Gomez, Gio Alvarez, Lindsay de Vera, Dave Bornea, Caprice Cayetano, at marami pang iba.

Mapapanood na ang “Alyas Robin Hood” simula sa darating na Lunes, September 19, pagkatapos ng “Encantadia.” — VVP, GMA News