ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Paolo Ballesteros' film to compete in Tokyo International Film Festival


Kabilang ang independent film na “Die Beautiful,” kung saan bida ang Kapuso host-actor at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Paolo Ballesteros, sa mga opisyal na kalahok sa gaganaping 29th Tokyo International Film Festival.
 
Bibigyang-buhay ni Paolo sa pelikula ang karakter na si Trisha, isang transgender woman na ang huling hiling ay manatiling maganda kahit sa kamatayan.
 
Ayon sa direktor na si Jun Robles-Lana, “Kinikilig kami sa tuwa! Our newly finished film 'Die Beautiful' has been selected in the Main Competitoon of the Tokyo International Film Festival. Congratulations also to the other Filipino filmmakers who were selected!”
 
Kabilang rin sa mga gaganap sa pelikula sina Christian Bables, Gladys Reyes, at Joel Torre.
 
Nakatakdang lumipad ang cast at crew ng “Die Beautiful” papuntang Tokyo sa October 24.
 
Gaganapin naman ang 29th Tokyo International Film Festival mula October 25 hanggang November 3.
 
 
Sa naunang pahayag, sinabi ng Kapuso host-actor na pinapanalangin niyang makatanggap ng award, hindi para sa sarili kundi para sa mga nakasama niyang bumuo ng pelikula.
 
Aniya, “Kung nahirapan ako, mas nahirapan sila, 'yung mga staff namin. If ever na nag-eexpect ako ng award, it's for everyone, bonus na lang 'yung akin." 
 
 
Maliban sa “Die Beautiful,” bida rin si Paolo sa pelikulang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” kung saan bida rin sina Anne Curtis at Dennis Trillo. — DVM, GMA News