Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Heart Evangelista as a ’Barbie doll’


Marami ang pumuri sa black gown na suot ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa kasal ng kaniyang kapatid na si Camille Ongpauco at ng kasintahan nitong si Martin Rosario noong nakaraang linggo. 

Isa ang nasabing gown sa mga obra ng sikat na fashion designer na si Mark Bumgarner, na matalik na kaibigan rin ng aktres.

Kamakailan lamang, ibinahagi sa social media ang “doll version” ng Kapuso actress suot ang nasabing black gown.

Gawa ito ng arist na si Alvin Ocampo, na nakilala rin sa kaniyang paggawa ng Pia Wurtzbach doll at Encantadia Sang'gre dolls.

“Ecstatic! It's meeee! Well, Barbie me! Thank you @its_me_alvin and congrats @markbumgarner ! #lovemariexblacks” ayon kay Heart.

 

 

 

 

Nauna nang pinuri ng world-renowned Pinoy couturier na si Michael Cinco ang mga obra ni Alvin nang gumawa ito ng doll hango sa kasal ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Aniya, “What an amazing creation from this very talented artist @its_me_alvin... Love it love it love it!”

Silipin ang ilan pa sa mga manikang gawa ni Alvin, na hango sa ilan sa mga sikat ng personalidad mula sa iba't ibang industriya.

 

 

 

 

 

— Bianca Rose Dabu / AT, GMA News