Glaiza de Castro on Ben-Julie romance: Wala akong karapatang maging Pirena sa kanila
Kamakailan lamang, inamin na ng Kapuso singer-actress at “Pinulot Ka Lang Sa Lupa” star na si Julie Anne San Jose na nagkakamabutihan na sila ng Kapuso actor na si Benjamin Alves, na leading man niya sa nasabing teleserye.
Sa katunayan, may blessing na nga raw ng mga magulang ni Julie Anne ang panliligaw ni Benjamin sa aktres.
“We’re good. We’re getting to know each other. I’ve known him for two years. Ngayon, mas kinikilala naming yung isa’t isa... I like him,” aniya sa naunang panayam.
Ephraim x Santina. Pinulot Ka Lang Sa Lupa coming soon!
A photo posted by Julie Anne San Jose (@myjaps) on
Tila hindi naman apektado ang Kapuso actress at “Encantadia” star na si Glaiza de Castro sa balitang pagkakamabutihan ng dalawa.
Matatandaang na-link sina Glaiza at Benjamin sa isa't isa bago ang panliligaw ng binata kay Julie Anne.
“Kung saan sila masaya, wala akong karapatang maging Pirena sa kanila. Friend ko naman sila pareho,” pahayag ni Glaiza.
Hindi itinanggi ng aktres na naging malapit rin sila ni Benjamin. Gayunpaman, “Na-realize namin na hindi pala lahat ng friends, swak talaga for relationship. Matagal ko na siyang kakilala, pero never kong na-imagine na maga-attempt siya. Hindi lang siguro timing din,” aniya.
Kahit na hindi natuloy sa relasyon ang kanilang ugnayan, aminado ang aktres na naging magaan rin ang loob niya sa Kapuso actor.
Paliwanag niya, “Mararamdaman ng girl 'yun. Sa umpisa, best foot forward lagi. Lahat naman siguro ng babae, kapag pinapakitaan ka ng ganoong ka-intense na admiration, parang 'ang ganda ko.' Na-appreciate ko naman 'yun.”
“Ang perception ko sa kaniya ngayon ay kung ano ang iniwan niya sa akin. Maganda naman. Never naman kaming nag-away na malala,” dagdag pa ng aktres.
Sa ngayon, hindi pa raw muling nagkikita at nagkakausap sina Glaiza at Benjamin, lalo na't pareho silang abala sa mga pinagbibidahang programa.
Aniya, “Never dumating sa point na nag-usap kami na 'tigil na tayo.' Kapag tigil na, tigil na. Cut off na talaga. Hindi ako nasanay sa usapan... Hindi rin kami dumating sa point na nagkaroon ng malalim na ugnayan. ”
“Hintay-hintay lang muna” ang naging sagot ng aktres nang tanungin siya kung kailan siya muling magkakaroon ng kasintahan.
Sino nga ba ang type ni Glaiza ngayon?
Pabirong sagot ng Kapuso actress, “Ang type ko talaga? Nasa Korea. Big Bang. Si T.O.P. Siguro dapat pumunta ako doon para mahanap ko siya.” —Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News