‘Ismol Family’ cast bids farewell after two years
Matapos ang higit sa dalawang taong pagpapasaya sa mga manonood tuwing Linggo, nalalapit na ang pagtatapos ng Kapuso comedy sitcom na “Ismol Family.”
Ngayong linggo, nag-post na ng kani-kanilang pamamaalam ang cast ng nasabing programa, kabilang sina Carla Abellana, Ryan Agoncillo, Carmi Martin, Kevin Santos, Miguel Tanfelix, at marami pang iba.
“Paalam sa ngayon, Ismol Family. Dalawa't kalahating taon akong pinasaya ng husto nitong pamilyang to. Sana'y napaligaya din namin kayo. Hanggang sa muli,” ayon kay Carla, na kamakailan lamang ay itinanghal na Best Comedy Actress for TV sa 2nd Alta Media Icon Awards.
Pahayag naman ni Carmi, “By for now #Ismolfamily. Maraming salamat sa lahat ng tumangkilik sa among show every Sunday.”
Proud namang sinabi ni Kevin na, “We are not friend. We are family.”
Nagpaalam na rin ang cast sa mga karakter na kanilang binigyang-buhay, na hindi maikakailan napamahal na sa kanila sa loob ng ilang taon.
“I will miss playing the role of Majay. I will miss my Ismol Family,” ayon kay Carla.
Ayon naman kay Ryan, na natatanging Comedy Actor sa 4th Reader's Choice Television Awards, “Goodbye for now, Jingo.”
Nagbalik-tanaw naman ang Kapuso young star na si Miguel Tanfelix sa mga masasayang alaala niya sa set kasama ang kaibigan at ka-loveteam na si Bianca Umali.
Kuwento niya, “I was 15 and she was 13 when we started Ismol Family while doing Niño. After 3 teleseryes and 3 mini series, we close a season on Ismol Family after 125 episodes. I am 18 and she's 16... we've grown. Happy to have spent most of my Tuesdays with this lady for 2yrs and 4months.”
Hindi naman napigilan ni Carla na maging emosyonal nang mabasa ang mensaheng ito mula sa kaniyang co-stars.
Aniya, “Been holding back the tears, but this one made me cry. Will miss these two not-so-little babies of ours.”
— RSJ, GMA News