ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Snooky Serna thanks Marina Benipayo for taking care of her children


Naging emosyonal ang batikang aktres na si Snooky Serna nitong Miyerkules sa press conference ng pagbibidahan niyang GMA Afternoon Prime series na “Hahamakin ang Lahat,” kung saan isa sa kaniyang co-stars si Marina Benipayo, ang partner ng dating asawa ni Snooky na si Ricardo Cepeda.

Hindi napigilan ng aktres na maluha habang ipinapahayag ang kaniyang pasasalamat kay Marina para sa mabuting pakikitungo nito sa kaniya.

Aniya, “I am happy and relieved to be able to work with a lady who is very professional, and we are very civil towards each other. And she is—I hope you don’t mind me saying Marina, I’m not being showbiz—She is a good woman. I wish her all the happiness.”

Nagpasalamat rin si Snooky sa pag-aalaga at pagmamahal ni Marina sa mga anak niyang sina Sachi at Samantha.

“I'm thankful that you are taking good care of my children. Thank you, Marina, for taking care of my children,” ayon sa aktres.

 

 

 

Kasabay ng madamdaming tagpo na ito, hindi rin napigilan ng mga kasamahan nina Snooky at Marina na maluha, kabilang na ang mga beteranong artistang sina Ariel Rivera at Eula Valdez.

 

 

Nagpasalamat rin si Marina sa maayos na pakikitungo sa kaniya ni Snooky sa set, at sa magandang samahan nila sa likod ng camera.

Dugtong pa niya, “In any case, ang tagal-tagal na nu'n. Okay naman na kami. I treat her as Snooky and she treats me like Marina. So that's it. 'Yun lang naman.”

Matatandaang naghiwalay sina Snooky at Ricardo noong 2005 matapos ang higit sa sampung taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Mensahe ni Snooky  para kay Marina, “We have both moved on. I am with a partner now and I’m happy. And you are happy. Nata-touch lang ako for my children. And I would like to take this opportunity to openly acknowledge you and thank you.”

 

 

Have a BLESSED DAY EVERYONE!

A photo posted by Cookie Serna (@snookyserna4466) on

 

Simula sa darating na Lunes, October 31, mapapanood sina Snooky at Marina sa GMA Afternoon Prime series na "Hahamakin ang Lahat," kasama sina Ariel, Rivera, Eula Valdez, Chinggoy Alonzo, at ang tambalan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Bibida rin sa teleserye sina Thea Tolentino, Marc Abaya, Jett Pangan, Renz Valerio, Mona Louise Rey, Bruno Gabriel, at marami pang iba.

 

 

—KG, GMA News