ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Cast, crew, at audience, kasama sa mannequin challenge ng ‘Sunday Pinasaya’


Hindi lamang ang mga host ng award-winning comedy variety show ng “Sunday Pinasaya” ang kumasa sa Mannequin Challenge, kundi maging ang buong cast at ang studio audience ng programa nitong nakaraang Linggo.

Tinawag nila itong “The Great Mannequin Challenge,” at ipinasilip rito ang paghahanda ng lahat bago humarap sa camera at magpasaya ng mga manonood.

Sumali sa pakulong ito sina Kapuso Primetime King and Queen Marian Rivera at Dingdong Dantes, Alden Richards, Jose Manalo, Barbie Forteza, Valeen Montenegro, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, AiAi Delas Alas, Julie Anne San Jose, Andre Paras, at marami pang iba.

Silipin ang nakakabilib na Mannequin Challenge ng buong barkada ng “Sunday Pinasaya.”

— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News