ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Alden Richards adds another car to his collection


Hindi lingid sa kaalaman ng mga tagahanga ng Kapuso host-actor at Pambansang Bae na si Alden Richards na mahalagang bahagi ng kaniyang buhay ang mga sasakyan.

Sa katunayan, isang secondhand na sasakyan nga ang kauna-unahang investment ni Alden mula nang maging artista siya.

Matatandaang ring bumili siya ng isang bagong black Jaguar sports car ngayong taon bilang regalo sa kaniyang sarili.

Kamakailan lamang, nadagdagan ang koleksyon ng sasakyan ni Alden nang mag-uwi siya ng isang bagong Mitsubishi Pajero.

Ayon sa Kapuso heartthrob sa naunang panayam tungkol sa hilig niya sa mga saakyan, “Parang regalo ko na po ‘to sa sarili ko—itong ganitong sports car. Okay na po ito.”

Maliban sa mga sasakyan at bahay, nag-invest na rin si Alden sa isang restaurant sa Tagaytay para sa kinabukasan niya at ng kaniyang pamilya.

Ngayong taon, nakatakda nang magbukas ang isa pang branch ng Concha’s Garden Cafe sa Quezon City.

Paliwanag niya, “Every day, I’ll make sure na secured po 'yung future ko at ng future po ng family ko.”

Sa ngayon, abala rin si Alden sa iba't ibang programang kaniyang pinagbibidahan, kabilang na ang noontime show na “Eat Bulaga!” at ang weekly comedy variety show na “Sunday Pinasaya.” — VVP, GMA News