ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Attention Encantadiks: You can now learn Enchanta through a smartphone app!


Nais mo bang makasabay sa palitan ng linya ng mga diwata?

Maaari nang matutuhan ang Enchanta, ang wikang gamit sa hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” sa pamamagitan ng smartphone app na “Encantadia Enchanta.”

Gawa ito ng Encantadik at Information Technology graduate na si Lawrence Perez.

Aniya, nakipag-ugnayan pa siya sa writers ng telefantasya upang mabuo ang app na magsisilbing Enchanta dictionary.

“Tinanong ko na lang 'yung writer ng 'Encantadia' kung puwede akong gumawa ng app na dictionary ng Enchanta kasi wala pa. Pumayag naman siya kaya ginawa ko na,” kuwento niya.

Dagdag pa ng app developer, “Usually, 'yung mga nanonood ng 'Encantadia' noon at ngayon, pati 'yung mga batang ngayon lang nakakanood, hindi nila maintindihan 'yung ibang words. Kapag dinownload nila 'yung app, mababasa nila doon 'yung ibig sabihin.”

Maaari nang ma-download nang free ang smartphone app na “Encantadia Enchanta” simula ngayong linggo. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News

Tags: encantadia, apps