Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Rodney Juterte, nakaharap si Donald Trumpet sa ‘Sunday Pinasaya’


Nagkaroon ng international edition ang “Itanong Kay Dugong,” isa sa mga sinusubaybayang segment ng Kapuso comedy variety show na “Sunday Pinasaya” kung saan gumaganap ang komedyanteng si Jose Manalo bilang si Presidente Rodney Juterte.

Sa “Itanong Kay Dugong: International Edition,” dumalo ang mga kinatawan mula sa iba't ibang bansa upang magtanong tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas.

Kabilang sa mga naging bisita ng segment si USA President-elect Donald Trumpet, na binibigyang-buhay ni Pekto.

Dahil sumali ang buong cast ng “Sunday Pinasaya” sa naturang segment, labis na natuwa hindi lamang ang mga manonood kundi maging ang mga artistang nagpapasaya sa harap ng camera.

Kuwento nga ni Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas, “Hahahaha grabe! Hindi ko na 'to kinaya... Start pa lang kasi nitong segment na ito, hindi ko na kine-keri—lalo na si Pekto haha! Lakas pa tumawa ni Gladys at saka ni Je! Mamatay-matay na ako kakatawa!” — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News