Aiza Seguerra greets Liza Dino on their 2nd wedding anniversary: Baby na lang ang kulang
Abala man sa kani-kanilang responsibilidad bilang mga opisyal ng gobyerno, hindi pa rin pinalampas ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino ang pagkakataong ipagdiwang ang kanilang second wedding anniversary nitong nakaraang linggo.
Sa pamamagitang ng Instagram, nagpalitan ang dalawa ng sweet messages at nagbahagi pa ng ilang tagpo mula sa kanilang selebrasyon.
Ayon kay Aiza, “Dalawang taon na ang nakalipas, parang ang bilis pero parang hindi.... Happy anniversary mahal ko. Mahal na mahal kita."
Bago tapusin ni Aiza ang mensahe, binanggit niya ang nag-iisang pangarap na hinihintay umano niyang matupad para sa kanilang pamilya. "Baby na lang ang kulang."
Nagpasalamat din ang singer-actor at National Youth Commission chairman sa pagmamahal at pag-unaang ibinibigay sa kaniya ni Liza, na pinakasalan niya sa dalawang magkahiwalay na seremonya sa Pilipinas at Estados Unidos.
Sagot naman ni Liza, “Two years na o two years pa lang? ... Ikaw ang forever ko.”
“Walang bubuwag sa naumpisahan natin."
A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on
Matatandaang ilang taon nang binabalak ng mag-asawa na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF).
Gayunpaman, napag-desisyunan nilang pansamantala munang ipagpaliban ito upang matutukan ang pagganap sa kanilang mga responsibilidad sa gobyerno at makapag-ipon pa para sa kanilang pamilya.
Kuwento ni Aiza sa naunang pahayag, “I had to tell Amara na baka hindi matuloy this year ang IVF namin ni Liza dahil bukod sa hindi kami makaalis ng bansa nang matagal, medyo mahal ang magagastos at hindi kami handa maglabas ng ganon kalaking halaga.”
Sa ngayon, maliban sa pagiging opisyal ng gobyerno, abala rin sina Liza at Aiza sa pagiging hands-on parents kay Amara, ang anak ni Liza sa dating kasintahan. —LBG, GMA News