Photographer BJ Pascual addresses rumors about Janine Gutierrez’s ‘photoshopped’ pic
Marami ang pumuri sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez nang ilabas nitong nakaraang linggo ang larawan mula sa isang calendar shoot para sa kaniyang pinakabagong endorsement, kung saan ipinakita ng aktres ang kaniyang daring side.
Gayunpaman, may iilan rin na pumuna at nagsabing tila masyadong na-edit ang larawan ni Janine.
A photo posted by Janine ???????????????????? (@janinegutierrez) on
Upang sagutin ang mga usap-usapan tungkol sa nasabing larawan, nag-post ang sikat na photographer na si BJ Pascual ng isang raw shot mula sa kanilang photoshoot.
Aniya sa isang Instagram post nitong Lunes, “Lol at those people saying @janinegutierrez's Petron calendar was photoshopped. Of course it was, hello, pinalitan nga ng background! Anyway, here's the raw shot! Thank you!”
Kabilang si BJ sa mga nanguna sa endorsement shoot ni Janine para sa isang motor oils brand, kasama ang stylist na si MJ Benitez, haistylist na si Mark Familara, at makeup artist na si Omar Ermita.
Nitong Lunes rin, nag-post ng behind-the-scenes photo si Janine mula sa nasabing photoshoot, na kinunan umano sa isang studio sa Quezon City.
“Mood: french fries” ang simpleng caption ng Kapuso actress.
mood: french fries #bts of the Petron 2017 calendar ???? @optionsstudiotimog
A photo posted by Janine ???????????????????? (@janinegutierrez) on
—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News