ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

Manny Pacquiao and family's Christmas holiday in South Korea




Sandaling nagpahinga mula sa kaniyang trabaho ang senador na si Manny Pacquiao upang makasama ang kaniyang buong pamilya sa isang bakasyon ngayong Kapaskuhan.

Kamakailan lamang, lumipad sina Manny at Jinkee kasama ang kanilang limang anak at iba pang mga kaibigan at kamag-anak papuntang South Korea upang makapamasyal ngayong holiday season.

Kabilang sa mga pinuntahan ng pamilya Pacquiao ang mga sikat na pasyalan sa Seoul tulad ng Seoul Tower at Gangnam District, Muju Ski Resort, at marami pang iba. —NB, GMA News