Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Alfred Vargas back in ‘Encantadia’


Matapos ang pagbabalik ni Sunshine Dizon at Diana Zubiri bilang mga bagong karakter sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” muli ring magiging bahagi ng telefantasya ang aktor na si Alfred Vargas.

Matatandaang kabilang si Alfred sa mga nagbigay-buhay sa orihinal na “Encantadia” noong 2005 bilang ang mandirigma ng Lireo na si Aquil.

Ngayong 2017, gaganap naman ang aktor bilang si Amarro, ayon sa Instagram post ni Direk Mark Reyes.

Napa-throwback ang marami nang ibahagi ng direktor ang larawan ni Alfred kasama si Diana, na gumanap noon bilang ang katambal niyang si Sang'gre Danaya. 

Sa bagong 'Encantadia,' gumaganap si Diana bilang Lilasari, habang sina Sanya Lopez at Rocco Nacino na ang nagbibigay-buhay kay Sang'gre Danaya at Aquil.

 

 

 

 

#lilamarro 2016 #danaquil 2005 Here we go! #encantadia2016 #encantadiks @alfredvargasofficial @dianazubirismith

A photo posted by Mark Reyes (@direkmark) on

 

Maliban sa patuloy na pamamayagpag sa Primetime block, isa pang magandang balita ang bumungad sa cast, crew, at mga tagasubaybay ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia” ngayong 2017—extended ang pagpapalabas ng telefantasya sa telebisyon!

Patuloy na mapapanood ng Encantadiks ang kuwento nina Sang'gre Amihan, Sang'gre Alena, Sang'gre Danaya, at Sang'gre Pirena gabi-gabi sa GMA Primetime, at magiging kaabang-abang pa rin ang mga twist ng remake at retelling ng seryeng unang nasubaybayan 12 taon na ang nakalipas.

[READ: 'Encantadia' is extended on GMA Primetime]

— RSJ, GMA News