ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sanya Lopez, Jak Roberto do version of ‘Ipapasa Ko ’To Sa Facebook’ video


Hindi nagpahuli ang magkapatid na sina Sanya Lopez at Jak Roberto sa paggawa ng kanilang sariling bersiyon ng viral na “Ipapasa Ko 'To Sa Facebook” video, kung saan makikita ang bangayan ng magkapatid na sina Bilog at Bunak.

“Ginalingan ni utol” ang pabirong hashtag ni Jak sa kaniyang Instagram post nitong Linggo.

Umabot na ng halos 45,000 ang views ng nasabing post, at marami na nga ang nagsasabing #SiblingGoals ang Kapuso stars.

 

Nung ako'y bata pa #GinalinganNiUtol

A video posted by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

Nauna nang ginaya pa ng “Eat Bulaga!” Dabarkads at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sina Bilog at Bunak kasama ang kaniyang kapatid na si Dean Mendoza.

Kamakailan lamang, nakisali na rin sa online trend ang “Sunday Pinasaya” stars na sina Ruru Madrid at Atak, na kinabisado pa ang mga linyang sinambit ng magkapatid imbes na mag-Dubsmash lamang.

Dahil marami ang naka-relate at natuwa sa video ng magkapatid, itinampok sa "Kapuso Mo Jessica Soho" ang kuwento ng kanilang buhay.

Ayon kay Bilog, matagal na niyang ineensayo ang kanta—ang Filipino version ng "Dance With My Father"—para sa kaniyang ama, na iniwan ang kanilang pamilya nitong nakaraang taon lamang.

Umaasa ang bata na kapag nakita siya ng kaniyang ama sa social media, babalik na ito sa kanila at muling mabubuo ang kanilang pamilya. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News