Michael V. remembers Direk Uro Dela Cruz's first death anniversary
Isang taon na ang nakalipas mula nang pumanaw ang writer, photographer, at direktor na si Rosauro 'Uro' Dela Cruz, na nagsilbing long-time director ng Kapuso comedy sketch gag show na “Bubble Gang.”
Nitong nakaraang linggo, muling nagbalik-tanaw sa magagandang alaala ang award-winning Kapuso comedian na si Michael V., na isa sa mga orihinal na cast ng nasabing programa at matalik na kaibigan ng namayapang direktor.
Ayon kay Bitoy sa isang Instagram post, hindi pa rin siya makapaniwalang yumao na si Direk Uro.
“It's been a year Direk. What's funny is that there are still those Mondays when I arrive at the studio expecting to see you smoking your pipe or eating sardines in the mess hall,” kuwento ng komedyante.
Mensahe niya pa sa pumanaw na kaibigan, “I truly hope you found your peace.”
A photo posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on
Pumanaw si Direk Uro noong nakaraang taon dahil sa karamdaman.
READ: Writer, photographer, at direktor na si 'Uro' Dela Cruz, pumanaw na
Bukod sa ilang dekadang pagsisilbi sa “Bubble Gang,” naging direktor din siya ng game show na "Celebrity Bluff" at ng mga dating programang tulad ng "Show Me Da Manny" at "Bitoy's Funniest Videos." —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News