Filtered By: Showbiz
Showbiz

Solenn Heussaff and Nico Bolzico share how they deal with arguments: We don’t like drama


Kahit na tinagurian sila ng marami bilang #RelationshipGoals, aminado ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na hindi nila naiiwasan ang pagtatalo paminsan-minsan.

Gayunpaman, nanatiling matatag ang kanilang relasyon dahil sa tatlong simpleng "rules," na ibinahagi nila sa Valentine issue ng Cosmopolitan Philippines.

Ayon sa Kapuso host-actress, "We hardly ever fight, but when we do argue, we still make sure to listen to each other."

"No interrupting, no hanging up the phone, no walking out," pagbibigay-diin niya.

Dugtong ni Nico, "We don't like drama."

 

 

A photo posted by Nico Bolzico (@nicobolzico) on

 

Tuwing nagkakatampuhan sila, alam na raw ng mag-asawa kung paano muling mapapasaya ang isa't isa.

"Solenn always appreciates when we just spend time together and talk. Everything makes more sense after. Or, if we have time, we'll go on a trip somewhere," pagbabahagi ni Nico.

Dagdag ni Solenn, "We're not really materialistic. There's nothing I can buy for Nico that would make him super happy... I like preparing food for him. Cooking is my love language."

 

 

A photo posted by Solenn Heussaff (@solennheussaff) on

 

Kilalanin pa ang mag-asawang Solenn at Nico sa Valentine issue ng Cosmopolitan Philippines ngayong taon! — RSJ, GMA News