ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jean Garcia praises Alden Richards: ‘Hindi ka pa rin nagbabago!’


Hindi napigilan ng batikang aktres na si Jean Garcia na ibahagi ang kaniyang tuwa nang muling makita ang “Eat Bulaga!” Dabarkads at Pambansang Bae na si Alden Richards kamakailan lamang.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Jean kung gaano siya ka-proud sa binata, na kasalukuyang naghahanda para sa “Destined To Be Yours,” ang kauna-unahang GMA Primetime series na pagbibidahan niya kasama si Maine Mendoza.

Ayon sa aktres, “My love for this man grows everytime I see him! Ayiee, maraming salamat sa mahigpit na yakap. Na-miss kita, beh! Nakakatuwa dahil hindi ka pa din nagbabago.”

“Ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuti at mapagkumbabang tao. I'm very proud of you, Alden! God bless you always. Love you!!” dagdag pa niya.

Kaakibat ng post ang mga sweet at nakakatuwang hashtag na “Kilig much,” “My love,” “My pabebe boy,” “Blessed beyond belief,” at “To God be all the glory.”

 

Tulad ng maraming artista at personalidad na nakatrabaho ni Alden, nauna nang ibinahagi ni Jean ang kaniyang paghanga sa Pambansang Bae ilang taon na ang nakararaan, kasabay ng pagsikat ng phenomenal AlDub loveteam.

“Hindi niya alam na guwapo siya. Parang hindi siya artista. Every time na kasama mo siya, akala mo ordinaryong tao lang. Walang kalaki-laki ang ulo,” ayon sa batikang aktres.

WATCH: Alden Richards on fame and success: ‘Hindi natutulog ang Diyos’

Kabilang ngayon si Jean sa mga bida ng GMA Afternoon Prime series na “Pinulot Ka Lang sa Lupa,” kung saan magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.

Gumaganap rin dito sina Ara Mina, Victor Neri, Martin del Rosario, Lharby Policarpio, Geline Eugenio, Allan Paule, at Janna Dominguez.

Mapapanood ang nasabing programa araw-araw, pagkatapos ng "Hahamakin Ang Lahat." — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News