Flora Vida is Dingdong Dantes’ Christmas gift for Marian Rivera
Marami ang nasabik nang ipasilip ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kaniyang Instagram account ang logo ng Flora Vida, ang kaniyang bagong business venture kung saan maibabahagi niya sa lahat ang kaniyang hilig sa bulaklak at flower arrangement.
Aniya, ang kaniyang asawa at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang naghimok sa kaniyang tuparin ang pangarap na maging flower shop owner.
Kuwento ng Kapuso actress sa isang press conference nitong Miyerkules, “Nag-usap kami ng asawa ko. Sabi niya, ‘Ano bang nasa bucketlist mo? Anong mga pangarap mo para sa sarili mo?’ Kaya sinabi ko sa kaniya, at hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao na mahilig ako sa bulaklak. So ang sabi ni Dong, bakit hindi ko tuparin ang isa sa mga nasa bucketlist ko? Sabi ko, ‘Oo nga, siguro it’s about time.’”
“Ang hilig ko kasi talaga sa bulaklak. Kinikilig ako kapag kinukuwento ko ‘yung gusto ko. Sobrang pasasalamat ko sa asawa ko kasi napaka-supportive niya. Suportado niya lalo na ‘yung mga gusto kong mangyari para sa sarili ko,” dagdag pa niya.
READ: Marian Rivera announces new venture ‘Flora Vida’
Lingid sa kaalaman ng marami, naging opisyal lamang ang negosyong ito ni Marian noong Pasko, nang ibigay sa kaniyang ni Dingdong ang Department of Trade and Industry (DTI) certificate ng Flora Vida bilang Christmas gift.
Kuwento ng aktres, “Noong Christmas, binigyan niya ako ng DTI sa pangalan na ‘Flora Vida,’ pagmamay-ari ko na ‘yun.”\
“Ganoong ka-sweet ang asawa ko. Binibigay niya ang lahat… Kahit busy siya sa commitments niya, hindi niya nakakalimutan ‘yung mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Tinupad niya talaga ang pangarap ko,” pagpapatuloy niya.
Hindi muna ibinahagi ni Marian kung kailan ang opisyal na launch ng Flora Vida dahil nais niya raw mapaghandaan ang natatanging serbisyong ibibigay niya sa kaniyang mga magiging customer.
Pagbabahagi niya, “’Yung gagawin kong arrangements, ako mismo ang gagawa. Walang ibang taong gagawa nito. Secret pa ang concept, pero ako lahat—ang magde-design, mamimili ng kulay, gagawa ng arrangement. Ako lahat.”
A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on
Maliban sa nalalapit na pagbubukas ng Flora Vida, pinaghahandaan na rin ni Marian ang kaniyang pagbabalik-Primetime ngayong taon.
Matatandaang maliban sa pagganap niya sa “Encantadia” at “Sunday Pinasaya,” namahinga muna sa paggawa ng programa si Marian matapos isilang si Maria Letizia, ang panganay na anak at unica hija nila ni Dingdong.
Kuwento niya, magsisimula na ang kanilang taping sa susunod ng buwan.
“Magugustuhan ito ng kahit anong age. At na-miss ko itong gawin,” aniya.
READ: Marian Rivera gives clue on upcoming primetime show