‘Legally Blind’ stars share their own traumatic experiences
Nagsimula nang ipalabas ngayong Lunes, February 20, ang pinakabagong GMA Afternoon Prime series na “Legally Blind,” kung saan bida sina Janine Gutierrez, Mikael Daez, Marc Abaya, Lauren Young, Rodjun Cruz, at marami pang iba.
Bibigyang-buhay ni Janine ang isang magaling na abogadong naging rape victim at nabulag, habang si Mikael naman ang gaganap bilang sandigan ng karakter ng Kapuso actress.
Dahil sa bigat ng mga eksena sa teleserye, aminado ang mga bida na naapektuhan rin sila ng kuwentong binibigyang-buhay nila.
Kamakailan lamang, binalikan nina Janine, Mikael, at Marc ang kani-kanilang traumatic experiences, na nakatutulong raw sa paghugot nila ng emosyon para sa mga eksena sa “Legally Blind.”
A post shared by QURATOR (@qurator_studio) on
Ayon kay Janine, “Noong bata ako, hindi ko talaga matanggap na naghiwalay ang parents ko. 'Yun ang sobrang hirap na panahon for me.”
“Pero masuwerte ako kasi talagang kinausap kami nang maayos, na kahit hindi na sila together, mananatili pa rin kaming pamilya,” dagdag pa niya.
Para naman kay Mikael at Marc, ang pagkamatay ng miyembro ng kanilang pamilya ang isa sa mga pinakamabigat na pangyayari sa kanilang buhay.
Kuwento ni Mikael, “Noong namatay 'yung dad ko back in 2012—sa tingin ko, 'yun na ang pinaka-traumatic na nangyari sa akin. Kaya kami nakabangon, because of love. Malaki kaming pamilya, at nagtulungan talaga kami.”
“The passing of my mother was something. But because of my family and friends, of faith in God, I'm all right,” ayon naman kay Marc.
Mapapanood ang “Legally Blind” araw-araw sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng “Ika-Anim na Utos.” — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News