Kylie Padilla addresses rumors on baby's gender
Isang buwan mula nang makumpirma ang pagbubuntis ng Kapuso actress na si Kylie Padilla sa unang anak nila ng kaniyang kasintahang si Aljur Abrenica, agad na lumabas ang mga bali-balita tungkol sa magiging kasarian ng bata.
Kasabay ng usap-usapang magiging lalaki raw ang kanilang panganay na anak, nilinaw ni Kylie na maging sila ni Aljur ay hindi pa sigurado sa gender ng kanilang baby.
“Aljur and I just want to clarify, since we read the article about the gender of our baby, we are actually still unsure of the gender,” aniya sa isang tweet nitong Lunes.
Aljur and I just want to clarify, since we read the article about the gender of our baby, we are actually still unsure of the gender
— Kylie Nicole (@kylienicolep) February 26, 2017
Higit sa magiging kasarian ng kanilang anak, mas mahalaga raw para sa magkasintahan na maging malusog ang bata.
Pagpapatuloy ni Kylie, “Still deciding on names. We were going to wait until it was final sana to announce these things but since it was brought up today, we would just like to clarify.”
And still deciding on names. We were going to wait until it was final sana to announce these things but since it was brought up today
— Kylie Nicole (@kylienicolep) February 26, 2017
“Whatever the gender is. though. we are happy as long as the baby is healthy,” pagtatapos niya.
We would just like to clarify ???? whatever the gender is though we are happy as long as the baby is healthy.
— Kylie Nicole (@kylienicolep) February 26, 2017
Matatandaang na-engage sina Kylie at Aljur noong Nobyembre nang mag-bakasyon sila sa Japan, at muling nag-propose ang aktor sa Pilipinas bago sila mag-desisyong tumira sa iisang tahanan.
READ: Aljur and Kylie confirm pregnancy
READ: How Robin Padilla reacted to Kylie's pregnancy
—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News