ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Diana Zubiri's husband Andy Smith joins 'Encantadia'


Patuloy ang pagpapakilala ng mga bagong karakter sa hit Kapuso fantasy series na “Encantadia.”

Matapos ipakita ang mga Punjabwe noong nakaraang linggo, mapapanood naman ang Filipino-Australian model na si Andy Smith sa telefantasya bilang “adult Anthony,” na naunang ginampanan ng Kapuso teen star na si Migo Adecer.

Maliban sa pagiging model at host, nakilala rin ng marami si Andy bilang asawa ng aktres at “Encantadia” star na si Diana Zubiri, na gumaganap naman bilang Lilasari.

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Diana ang kaniyang suporta sa asawang pumasok na rin sa showbiz.

Biro niya, “Sino ba yang Anthony na 'yun?”

 

 

Sino ba yang Anthony na yun? @thisisandysmith #encantadiapakiramdam

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith) on

 

Bago ipakilala si Andy bilang ang mas matandang Anthony, nakilala na rin ng Encantadiks sina Arra San Agustin, Joross Gamboa, at Marx Topcio bilang Ariana, Manik, at Azulan, ang mga miyembro ng grupo ng Punjabwe.

Ipinakilala rin si Phytos Ramirez noong nakaraang linggo bilang ang mas matandang Paopao, na naninirahan ngayon sa Lireo kasama ang mga Sang'gre.

Nariyan din si Eula Valdez, na nagbibigay-buhay ngayon kay Avria, ang malupit na pinuno ng Etheria.

READ: Maxine Medina's boyfriend Marx Topacio joins 'Encantadia' as Azulan

Abangan ang mga mas tumitinding tagpo sa "Encantadia" araw-araw pagkatapos ng “24 Oras.” —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News