ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Ika-6 Na Utos' star Ryza Cenon wants to be more like Emma in real life


Marami ang apektado sa mga tumitinding eksena sa GMA Afternoon Prime series na "Ika-Anim Na Utos," kung saan binibigyang-buhay ng isang star-studded cast ang kuwento ng mag-asawang nagulo ang buhay dahil sa isang kabit.

Sa katunayan nga, hindi na raw bago sa Kapuso actress na si Ryza Cenon—na gumaganap bilang ang kabit na si Georgia—ang makatanggap ng mga mensahe mula sa mga galit na manonood.

Gayunpaman, aminado ang aktres na siya mismo ay naiinis sa karakter na ginagampanan niya. Aniya, isang malaking hamon ang pagganap dito.

"Walang talaga kaming similarities," aniya sa isang Facebook Live video nitong Miyerkules.

Sagot ng kaniyang co-star na si Sunshine Dizon, na gumaganap naman bilang ang tunay na asawang si Emma, "I can attest to that—malayung-malayo."

Pagpapatuloy ni Ryza, "200% ang ibinibigay ko sa role. Sobrang hirap kasi hindi ko alam kung saan ko huhugutin. Iba-ibang emosyon ang inilalabas ni Georgia. Iba-iba ang personality niya."

 

A post shared by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

 

Kung mabibigyan raw siya ng pagkakataong makapamili ng karakter na kaniyang gagampanan, nais raw ni Ryza na bigyang-buhay naman si Emma.

Aniya, gusto niyang matutuhan ang lakas ng loob at tapang na ipinapakita nito sa kabila ng mga hamon ng buhay.

"'Yung personality ko, hindi ganoong ka-strong. 'Yung paglaban niya, 'yun ang kailangan kong matutuhan sa buhay," paliwanag ng Kapuso actress.

READ: Ryza Cenon, aminadong naiinis din sa karakter niyang si Georgia sa 'Ika-6 Na Utos' 

Bida ngayon sina Sunshine at Ryza sa GMA Afternoon Prime series na "Ika-Anim Na Utos," kasama sina Gabby Concepcion, Mike Tan, Marco Alcaraz, Rich Asuncion, Daria Ramirez, Carmen Soriano, Mel Martinez, at Arianne Bautista.

Mapapanood ang top-rated Kapuso daytime drama araw-araw sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Eat Bulaga!" —KBK, GMA News

Tags: ryzacenon