ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

AiAi delas Alas on marrying boyfriend: One year pa!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kamakailan lamang, ipinagdiwang ng Kapuso actress at Comedy Concert Queen na si AiAi Delas Alas at ng kaniyang kasintahang si Gerald Sibayan ang isa na namang monthsary.

Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, hindi nakalimot ang dalawa na gunitain ang simpleng milestone na ito. Ayon pa nga kay AiAi, hindi rin pinalalampas ng kaniyang kasintahan ang pagkakataong mabigyan siya ng magagandang bulaklak kada buwan.

Pagbabahagi niya sa isang Instagram post nitong Linggo, “Ang ganda ng flowers ko.. Grabe, sa three years namin, he didn't fail to give me flowers every monthsary. Pero ngayon ang the best—mabango and with rainbow colors.”

“I love you, darling! Thank you for loving me and making me smile everyday,” mensahe niya kay Gerald.

 

 

Dahil sa tibay ng kanilang pagsasama, marami ang nagtatanong kung balak na nga bang magpakasal nina Gerald at AiAi.

Ayon sa isang tagahanga ng komedyante, “Can't wait to serr you walking (down) the aisle.”

“Kasalan ulit 'yan,” ang sabi naman ng isa pang fan.

Simpleng sagot ni AiAi sa mga ito, “One year pa. Hehe.”

 


Sa mga naunang panayam, aminado si AiAi na napag-uusapan na nila ni Gerald ang pagpapakasal.

Aniya, “Sabi ko nga, si Gerald kasi… lalaking-lalaki. Hindi 'yung basta na lang susugod. Siyempre, gusto niya magwu-work siya. Gusto niya mag-ipon para sa kasal namin. 'Yung normal na lalaki na maayos.”

READ: AiAi delas Alas admits to having wedding talks with bf Gerald Sibayan 

READ: AiAi Delas Alas on relationship with Gerald Sibayan: ‘Kapayapaan, finally’ 

—NB, GMA News