ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Janine Gutierrez at Dasuri Choi, naging tattoo artists for a day!


Muling sumabak sa isang kakaibang trabaho ang Kapuso host-actress at “Legally Blind” star na si Janine Gutierrez kamakailan lamang upang mabigyan ng day off ang isang masipag na manggagawang Pinoy.

Sa pinakabagong episode ng Kapuso public service show na “Day Off,” nakasama ni Janine si Dasuri Choi sa isang araw ng pagiging tattoo artist.

Hindi maikaila ng dalawa ang kanilang takot, lalo na't permanente na sa katawan ng kanilang customer ang gagawin nilang obra.

“Nakikita mo 'yung dugo, nakikita mo na bumabaon sa balat niya 'yung coil machine, tapos kapag pinupunasan niya, kumakalat 'yung ink. Medyo nakaka-nerbisyos talaga kasi, pakiramdam ko, masakit,” ayon kay Janine.

Dugtong ni Dasuri, “Nasa balat ng tao, kaya challenging talaga siya. Hindi ako takot, pero ang feeling ko is parang 'challenge accepted.'”

Sa huli, nagawa ng dalawa ang isang simpleng “Three Hearts” design para sa isang tattoo enthusiast.

Ayon kay Janine, “Overall, sobrang saya ng experience kasi ang dami kong natutuhan. Nakakatuwa rin 'yung mga mahilig sa tattoo kasi parang passion na nila 'yun.”

WATCH: Janine Gutierrez at Ken Chan, naranasang maging snake-venom extractors
—NB, GMA News