ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK
Nadia Montenegro shares emotional message for late partner Boy Asistio
Kasabay ng paggunita ng kanilang pamilya sa ika-40 na araw mula nang pumanaw ang dating alkalde ng Caloocan na si Macario 'Boy' Asistio Jr., nagbahagi rin ang aktres na si Nadia Montenegro ng isang madamdaming mensahe para sa kaniyang yumaong life partner.
Sa isang Instagram post nitong nakaraang linggo, ipinasilip ni Nadia ang isa sa mga larawan nila ni Boy noong nabubuhay pa ito.
Aminado ang aktres na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang pagpanaw ng kaniyang partner, at araw-araw pa rin siyang nagdarasal upang maging mas matatag sa gitna ng masalimuot na pinagdaraanan.
Aniya, “You've been gone for 40 days now, Tart! It's not getting any easier. Every morning, I awake with a pounding heart whenever I realize wala na breakfast partner ko. Wala na good morning kiss ko. Wala na 'yung bobolahin ako paggising na payat na ako. Wala na 'yung makulit na magjo-joke ng corny pero kailangan ko tumawa. Wala na kakwentuhan ko. Wala na 'yung taong tatakasan ako kasi 'di ko papayagan umalis. Wala na 'yung taong kahit anong sakit, hirap, o pagod, ngiti pa din ang ihaharap sa'yo.”
“Every morning, I pray asking God for the strength and understanding how to live another day without you. I ask Pastor crazy questions kung naririnig mo pa ba kami. Nakikita mo pa ba nangyayari sa amin. But even if you don't, it gives us so much comfort knowing you are in heaven. Rejoicing with the Lord!” dagdag pa ni Nadia.
Pagtatapos niya, “Isa kang anghel sa langit, Tart... I know kahit para na akong baliw minsan na tumatawa, maya-maya, umiiyak, may Diyos akong makakapitan. I love you so much Tart! Thank you for eternal life for Boy! You are amazing God!”
Karugtong ng kaniyang mensahe ang mga hashtag na “One True Love,” “Still hurts so bad,” at “I love you forever.”
Nagsama-sama rin ang pamilya at mga mahal sa buhay ni Boy nitong nakaraang Biyernes upang gunitain ang kaniyang mga alaala.
A simple celebration for Boy's eternal life in heaven! #WeLoveYouBoy #EternalGardens #BoyAsistio
A post shared by Nadia montenegro (@officialnadiam) on
Matatandaang pumanaw si Boy noong nakaraang Pebrero sa edad na 80 dahil sa cardiac arrest.
Nagsilbing alkalde ng Caloocan si Boy mula 1980 hanggang 1986 at mula 1988 hanggang 1995. Muli siyang tumakbo sa pagka-alkalde nitong 2013 ngunit natalo siya ni Oscar Malapitan. — DVM, GMA News
Tags: coloocancity, macarioasistio
More Videos
Most Popular