Kylie Padilla shares sweet birthday message for Aljur Abrenica
Ipinagdiwang ng aktor na si Aljur Abrenica ang kaniyang 27th birthday nitong nakaraang Biyernes, at kabilang nga sa mga unang nagpaabot ng pagbati ang kaniyang kasintahan at “Encantadia” star na si Kylie Padilla.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang kaniyang sweet birthday message para kay Aljur.
Aniya, “Happy birthday to my partner / partner in crime, baby daddy and bestest friend! No matter where you are, how you feel, and who you're with, remember that we are here for you and love you — (me), Polar, Putot, Bruce, and little Jellybean.”
Sina Polar, Putot, at Bruce ang mga alagang aso at pusa ng magkasintahan, habang Jellybean naman ang bansag nila sa kanilang panganay na anak, na kasalukuyang ipinagbubuntis ni Kylie.
“Enjoy your special day but remember that you're special every[]day, not just today,” pagtatapos ng Kapuso actress.
Sa ilan pang post, ibinahagi rin ni Kylie ang naging simpleng selebrasyon nilang magkasintahan para sa kaarawan ni Aljur.
“Party! Meaning eat spaghetti and watch a Disney movie,” aniya.
Sandaling namamahinga si Kylie mula sa showbiz upang matutukan ang pagbubuntis niya sa unang anak nila ni Aljur.
[Read: LOOK: Kylie Padilla shows off her baby bump; Kylie Padilla addresses rumors on baby's gender.]
Matatandaang na-engage ang dalawa noong Nobyembre nang mag-bakasyon sila sa Japan, at muling nag-propose ang aktor sa Pilipinas bago sila mag-desisyong tumira sa iisang tahanan. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News