ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Julie Anne San Jose to Benjamin Alves: Happy birthday, mon amour


Ipinagdiwang ng Kapuso actor at “Pinulot Ka Lang Sa Lupa” star na si Benjamin Alves ang kaniyang kaarawan nitong nakaraang linggo, at hindi nga pinalampas ng kaniyang rumored girlfriend at Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose ang magbahagi ng isang sweet birthday message para sa aktor.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, ibinahagi ni Julie Anne ang kaniyang simple ngunit nakakakilig na hiling para kay Ben.

“Wishing this man all the best things in the world. Let's celebrate more birthdays together in the years to come cause you know, I'm stuck with you,” aniya.

Pagtatapos ng Kapuso singer-actress, “Happy Birthday, Mon Amour.”

Sagot naman ng birthday boy kay Julie, “I love you.”

 

Hindi pa natapos sa pagbati ni Julie ang pagpapakilig ng dalawa, dahil nang tanungin si Ben kung ano ang pinakamagandang regalong natanggap niya ngayong taon, sagot ng aktor, “Being with Julie.”

Kasama rin ang Asia's Pop Sweetheart sa mga panalangin ni Ben para sa kaniyang kaarawan.

Aniya, “All I ask for this birthday is for my parents to retire healthy and for my heart to stay strong... Could I get one more wish? I wish you good health and fruitful career. You deserve all the love. Thank you for sharing life with me.”

 

 

 

Mensahe ni Ben sa kaniyang mga tagahanga, “It's never too late to chase your dreams. I'm living mine at 28. Thank you for all the greetings. I'm humbled by all your support. I love you all.”

 

Mapapanood sina Julie Anne at Ben araw-araw sa Kapuso Afternoon Prime series na "Pinulot Ka Lang Sa Lupa," kasama sina Ara Mina, Victor Neri, Lharvy Policarpio, Geline Eugenio, Allan Paule, at Janna Dominguez. — Jannielyn Ann Bigtas/BM, GMA News