Marian Rivera shares simple tip vs. psychological manipulation
Nakasama ng “Mars” hosts na sina Camille Prats at Suzy Abrera ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at ang komedyanteng si Boobay nitong Huwebes upang talakayin ang iba't ibang “signs of psychological manipulation.”
Isa umano sa mga madalas na gamiting strategy upang makumbinse ang isang tao ay information overload, o pagbibigay ng mga komplikadong paliwanag upang mapaniwala ang kausap.
Ayon kay Marian, simple lamang ang kaniyang ginagawa upang maiwasan ang psychological manipulation na maaaring dulot nito.
“Very frank ako. Kapag may hindi ako naiintidihan, sasabihin ko agad. 'Explain mo ulit' or 'Tama na. Okay na ako,'” paliwanag niya.
Dagdag pa ng aktres, “Direct to the point ako. Kapag hindi ko naiintindihan, sasabihin kong hindi ko naiintindihan,” paliwanag ng aktres.”
Ilan pa sa “signs of psychological manipulation” na tinalakay sa programa ang “They make you feel insecure,” “They play dumb sometimes,” at “They place undue pressure on you.”
Panoorin ang “Mars Sharing Group” segment na ito upang hindi maging biktima:
— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News