Mike Tan explains why he never posts photos with GF of 11 years
Higit sa sampung taon na ang relasyon ng Kapuso actor at “Ika-6 Na Utos” star na si Mike Tan at ng kaniyang kasintahan, ngunit kahit kailan raw ay hindi nagbahagi ang aktor ng larawan nilang dalawa sa social media.
Nang tanungin siya tungkol sa dahilan nito sa “Photo-bukingan” segment ng “Unang Hirit” nitong nakaraang linggo, simpleng sagot ng aktor, “Very protective ako pagdating sa kaniya.”
Aniya, nais niyang panatilihing pribado ang buhay ng kaniyang non-showbiz girlfriend, na isa sa mga pinakamahalagang tao sa buhay niya.
Paliwanag ni Mike, “Hindi ko masabi kung anong special sa kaniya, pero para sa akin kasi, ang relationship ay partnership. Kung hindi aalagaan ng isa't isa, walang mangyayari."
"Para sa akin, siya talaga ang nagho-hold ng relationship namin," dagdag pa niya.
Sa naunang panayam, aminado si Mike na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal, ngunit malayo pa raw itong mangyari sa ngayon.
Paliwanag ng 30-year-old actor, “Matanda na ko, oo, pero hindi pa sa ngayon... mga three to four years pa."
Dagdag pa niya, "May gusto pa akong gawin, may gusto pa akong patunayan. Gusto kong magbigay ng mark sa showbiz... May sari-sarili pa kaming goals.”
READ: After ten years together, Mike Tan and girlfriend won’t tie the knot just yet
Mapapanood si Mike mula Lunes hanggang Sabado sa hit GMA Afternoon Prime series na “Ika-6 Na Utos,” kasama sina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Gabby Concepcion, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News