ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Martin Nievera's son with Katrina Ojeda turns one


Sa October 7 ay magdidiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Martin Nievera kay Katrina Ojeda na si Santino. Ang plano raw nina Martin at Katrina ay sa Las Vegas gawin ang unang birthday party ng anak since doon na nga sila nakatira. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Martin sa launching ng kanyang latest album na Milestone, sinabi ng Concert King na gusto raw ni Katrina ay isang barn party para sa first birthday ni Santino. Gusto raw nito na may mga farm animals talaga sa party ng anak nila. "I don't know why Katrina is so fond of animals nowadays!" malakas na tawa ni Martin. "Sabi niya, gusto niya may mga farm animals sa party ni Santino. Gusto niya may duck, chicken, pig, horse, and maybe even a cow. She just wants a barn party and it's okay. I just don't know if they will all fit in our garden. Bahala na basta she wants that kind of party for Santino." Iimbitahan daw siyempre ni Martin ang kanyang mga anak kay Pops Fernandez na sina Robin at Ram para maki-celebrate sa kanilang kapatid na si Santino. Pero depende raw ‘yon kung papayagan sila ni Pops. "One thing is may pasok sa school ang dalawang bata. I just can't let them fly over to Vegas that easy. And kailangan pa ng permission from their Mom. So I'll just wait for the right time para ipagpaalam ko sila. It would be great to have my kids together, di ba?" sabi pa ni Martin. Matunog ang balitang may plano nang magpakasal si Pops sa boyfriend nitong si Jomari Yllana sa 2008. Pero sinabi ni Martin na hangga't maaari raw ay hindi na lang siya magku-comment. "I'd rather not say anything because baka mag-away ulit kami ni Pops. She's still mad at me from the last time we've talked and I don't want to further add to that. Siguro kung ano na lang ang plano nila ni Jomari, they know what they are doing. I'm just happy because they're happy with each other. And that's about it," pagtatapos ni Martin. - Philippine Entertainment Portal