Angelu de Leon's ex-BF angered by her revelations
Hindi itinanggi ni Angelu de Leon na after ng guesting niya sa Showbiz Central, kung saan tahasan na niyang inamin kung sino talaga ang ama ng pangalawa niyang anak at ang masasabing pagkukulang ng mga ama ng kanyang dalawang anak, ay magkaibang mga reaction ang natanggap niya. Yung una nga with Joko Diaz at ang ikalawa naman ay sa rumored boyfriend ngayon ni Sunshine Dizon na si Jojo Manlongat. Ganunpaman, sabi nga ni Angelu sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay iniiwasan pa rin niya ang magsabing ng hindi maganda sa mga ama ng kanyang dalawang anak. âAyoko kasing magsabi ng masama about the person, especially the father of my kids, dahil baka sooner or later, magbago ang mundo at maging mabait sila sa mga anak ko. At makita pa ng mga anak ko na ako ang masama dahil nagsabi ako ng masasamang ugali ng mga ama nila. And I donât want that to happen," ang paliwanag ni Angelu. Bagamat ang ginawa niyang pag-amin ay tila isang pagpapaalala sa dalawang lalaking naging ama ng dalawang anak, dapat daw malaman ng mga ito na never siyang nagsalita ng masama laban sa mga ito sa mga bata. "Never! I never told anything bad about them. Pinaaalala ko lang sa inyo na never akong nagsalita ng masama tungkol sa inyo sa mga anak nyo. All I want them to know is the truthâwhatâs happening in our lives, where we stand in their life, and where you stand in their life. Ganoon lang ako sa mga anak ko...wala akong masasabing masama. Neutral lang ako sa lahat," paglilinaw ng aktres. Naikuwento rin ni Angelu na nagalit nga raw si Jojo sa ginawa niyang pag-amin Showbiz Central. âNagalit siya! Nagalit lang siya. Tinext niya ko ng hindi maganda. So, sige naâ¦Iâll give it to you, pero sana, kung may sasabihin ka, call me up, be a man. Pero hindi ko na rin sinagot yun because texting is so impolite. At saka, parang hindi siya ang pinakatamang gawin,"kuwento ni Angelu. After that, wala pa rin bang pagbabago or acceptance sa part ni Jojo? âI donât know na with him. Ang gusto ko lang naman ipaalam sa kanila, hindi ko ipinipilit ang mga anak nyo sa inyo. Kung ayaw niyo, okey lang, kaya ko naman, eh. Mahal ko naman, eh. Ang pinanghihinayang ko lang kasi, hindi nyo sila nakikita kung paano sila lumalaki na magagandang bata at matatalinong mga bata. âAt sa mga bago pa lang nakakaalam, hindi ko kasalanan kung ngayon lang ako nagsalita. The father should have been man enough to tell you what the real problems are. Kung ngayon niyo lang nalaman sa akin, huwag sana kayo sa akin magalit, hindi ko naman yun kasalanan," aniya pa. Pero bakit nga ba ngayon lang niya ito inamin? Heto ang mahaba niyang sagot: âBecause before, I was kind enough to protect him. But eventually, I have realized that Iâve been suppressing myself. And that, Iâve been protecting someone who doesnât even give...sorry for my word, give a damn. âItâs time for me to release everything. Nakilala niyo naman ako sa showbiz, that I have been very honest since the past. And I think, I owe it to the public na ayoko rin namang isipin nila na sobrang sama kong babae. It was for me and it was for my kids' sake because as far as Iâm concerned, I did it for my kids. âIn truth, alam ko naman na nagalit siya [Jojo] at alam ko rin naman na marami ang nagalit sa akin. But please, just accept kung ano ang totoong nangyari." Kumusta naman ang dalawa niyang anak, wala pa ba ito sa stage na nagtatanong kung nasaan ang mga daddies nila? âNagtatanongâ¦and they know. They know kung nasaan naman. Iâve been very honest where they lived, who were [sic] with them now, and alam naman nila ang buhay ng mga dad nila. Si Nicole, the last time nga lang na makita niya ang daddy niya ay noong wake pa ni Tito Ronnie [FPJ's wake on December 2004]." On the other hand, nilinaw rin ni Angelu na hindi totoong may bagong boyfriend or karelasyon na naman siya ngayon. âThatâs not true. Hindi naman sa ayaw ko na, pero, I am more careful dahil ayoko na lang na magkamali na naman sa ikatlong beses. Baka lahat na kayo ay magsabi na sa akin na, ano ba Ange, tanga! Hahaha! âParang ano ba, ang life goal ko na lang ba, eh, anoâ¦hindi naman siguro lang, mas okey na ng ganito. Mas may pino-protektahan ako ngayon. Mas may takot ako ngayon to be in a relationship. Ayoko na yung Iâll be in the relationship just to say na 'si Angelu, may boyfriend na.'" Lastly, tinanong din ng PEP si Angelu kung kumusta naman sila ni Sunshine Dizon? âHindi pa kami nagkikita pero nakikita ko mga interviews niya. And I respect her for nothingâ¦or not making comments, because tama naman siya, hindi naman niya panahon yun." - Philippine Entertainment Portal