Rufa Mae Quinto admits affair with Dennis Trillo
Rufa Mae Quinto and Dennis Trillo had an affair that lasted for several weeks, Quinto revealed on Wednesday. However, the comedienne said that they both denied the relationship that time because Trillo was being built up by GMA as the partner of Angel Locsin in Darna. "Itinago namin 'yon dahil inaalagaan kasi nang husto ng GMA ang career ni Dennis, at naiintindihan ko 'yon. Nagsisimula na si Dennis sa Darna opposite Angel Locsin," Quinto said. "Malinaw ang planong ipinagpe-pair sila, kaya hindi ako dapat umeksena. Alam ko kung saan ako dapat lumagay kaya tumahimik lang kami ni Dennis kahit kinukulit kami noon," kuwento ng sexy comedienne. Trillo was involved in a recent controversy when he initially refused to acknowledge that he fathered a baby boy with beauty queen Carlene Aguilar. Aguilar gave birth to their son on Sept. 22 in Los Angeles, California and Trillo admitted that he was the father of the child on Sept. 30. Quinto, in the interview with the Philippine Entertainment Portal (PEP), denied that she was using her past relationship with Trillo for publicity. "Hindi naman sa kailangan ko pang gamitin si Dennis para sa publicity," paglilinaw ni Rufa Mae. "It's not that. Kasi, I can't help but be affected sa mga nasasabi about Dennis tungkol sa isyu. Naging ex ko kasi siya, pero hanggang doon na lang 'yon." "Ang masasabi ko lang, sa kabila ng lahat, kung ano talaga si Dennis at sa nangyayari sa kanya, tatanggapin ito ng publiko. Maiintindihan pa rin siya na kailangan niyang ayusin ang pagsasalita tungkol sa ganitong bagay dahil inaalala rin niya ang career niya,"she added. Quinto has had several failed relationships and said that she does not want to get pregnant without any plans of marriage. "Hindi rin kasi nagtagal ang relasyon. Pangit naman yung nabuntis ako na hindi ko na karelasyon ang tao, di ba? Funny. Pero kung relasyon pa lang kasi at wala namang seryosong pagpaplano para sa marriage, bakit magpapabuntis? 'Yon lang ang sinusunod kong patakaran tungkol sa bagay na 'yan,"she said. "May mga nagsasabing malas daw ako sa relasyon dahil lagi na lang akong napapahiwalay sa nagiging boyfriend ko, gaya sa nangyari sa amin ni Rudy [Hatfield], and afterwards, kay Erik [Santos]. Hindi ko naiisip na loser ako pagdating sa pag-ibig dahil ako naman ang nakikipaghiwalay. Pag nararamdaman ko kasi na talagang hindi uubra, kahit nga mahaba na yung panahong ginugol ko sa relasyon, gaya ng kay Rudy, kapag masyadong malaki na ang isasakripisyo ko at hindi ko kaya, I just give up," Rufa Mae added. CAREER-ORIENTED. The comedian, who is being built up as a game-show host in a new TV program and has ventured into producing films, said that she has always favored career over relationships. "Career-oriented naman talaga ako," Rufa Mae said. "Mahirap talaga para sa akin ang bigyan ng mas malaking importansiya ang relasyon kung ganyang marami ang umaasa sa akin, marami pa akong gustong tulungan. You can't really have everything. "Lalo na ngayon, natutuwa ako dahil nakakapag-co-produce ako, may mga tao akong natutulungan. Ang latest nga ay ang Apat Dapat, Dapat Apat, which I co-produced with Viva. Hangga't makakaya kong gumawa ng ganito at nakakapagpasaya akoâhindi lang ng mga nanonood kundi yung mga tumutulong sa akin, sa production staff na nagbubuhos ng panahon at lakas para sa mga pangarap ko rin namanâiba yung feeling na marami ka talagang natutulungan. "Kaya siguro hindi ako humihinto sa pagpo-produce, hangga't may magagandang material na sa palagay ko naman ay kikita, at hindi malulugi," she added.- Philippines Entertainment Portal