ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Model-comedienne Wilma Doesnt gives birth to 2nd daughter


Isinilang na ng model-comedienne na si Wilma Doesnt ang kanyang ikalawang baby last September 29. Girl na naman ang anak ni Wilma at pinangangalan niya itong Emilia Svetlana. Ang panganay niya na si Asiana ay six years old na. Sa Cavite Medical Center ipinanganak ni Wilma si Emilia na may timbang na 5.14 lbs. Kasama ni Wilma ang kanyang pamilya nang iluwal niya sa mundo ang kanyang second baby. Tulad nang nauna niyang pagbubuntis, ayaw i-reveal ni Wilma kung sino ang ama ng kanyang pangalawang baby. May nabalita nga na isang 17 years old na bagets daw ang nakabuntis kay Wilma, pero never itong kinumpirma ni Wilma. "Younger nga sa akin ang ama nitong si Emilia, pero hindi naman underage. Ang importante, masaya ako at may anak na naman ako," sabi ni Wilma sa panayam sa kanya ng Showbiz Central. "Kung noong una akong nanganak ay kinaya kong buhayin si Asiana, kakayanin ko ring buhaying mag-isa si Emilia. Nakatakda talaga akong maging single parent forever. Siguro nga destined ako to be a good mother and not a good wife," natatawa niyang sabi. Pero wish ng ina ni Wilma na sana ay sa susunod na pagbubuntis niya—kung magbubuntis ito sa pangatlong pagkakataon—sana raw ay kasal na siya. "Yun ang gusto ni Madir, pero I will try!" malakas na tawa ni Wilma. "I will try to get married para hindi na siya mapraning sa akin! "Kasi naman, lagi siyang nagugulat sa pag-announce ko na buntis ako. Pero in fairness kay Madir, love niya ang mga apo niya. Kesehodang hindi niya masyadong kilala ang mga ama nila." Kapag nakapagpahinga na nang husto si Wilma, babalik siya sa pagku-co-host ng The Sweet Life with Lucy Torres-Gomez sa QTV 11. - Philippine Entertainment Portal