ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong, idi-direk ang asawang si Marian sa unang pagkakataon


Excited si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes dahil, sa kauna-unahang pagkakataon, idi-direk niya ang kaniyang asawang si Marian Rivera.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing para ito sa anniversary presentation ng GMA drama anthology series na "Tadhana."

Kuwento pa ni Dingdong, napag-uusapan nila ni Marian sa bahay ang kaniyang pagdidirek sa Lunes.

"Basta ang sabi huwag daw akong magsungit sa kaniya, hindi naman eh," sabi ni Dingdong.

Sid and Aya

Samantala, maituturing namang "millennial movie" ni Dingdong ang bago niyang pelikulang "Sid and Aya" dahil sa pagiging ibang klase nito, kaya meron itong subtitle na "Not A Love Story."

"Gusto namin silang bigyan ng kakaibang interpretasyon ng love story, hindi 'yung tipikal love story mo, gusto mong makaramdam ng iba, gusto mong mas dark, gusto mong parang hindi rin love story, sabi ni Dingdong.

Makakasama ni Dingdong ang aktres na si Anne Curtis.

Gagampanan ni Dingdong ang karakter ni Sid, isang insomniac na kukunin sa trabaho si Aya, ang karakter ni Anne.

Puppet show para kay Zia

Kamakailan naman, umani si Dingdong ng paghanga ng netizens nang mag-post sa social media ng kaniyang pagpa-puppet show para kay Zia.

"'Pag nasa ganitong stage ka, gagawin mo talaga lahat para mapasaya 'yung anak mo 'di ba? Kailangan maging creative ka rin para ma-tickle mo 'yung mind ng iyong anak. —Jamil Santos/LBG, GMA News