Gladys Guevarra receives a new Hummer - report
Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa manager ni Gladys Guevarra na si Jun Nardo, napag-alaman naming isang bagong red Hummer ang iniregalo sa comedienne ng kanyang boyfriend na si Phillip Peredo. Stable at maykaya raw ang boyfriend ni Gladys na isang Filipino-American businessman sa Amerika kaya hindi na nakapagtataka kung kaya nitong regaluhan ng mamahaling sasakyan ang comedienne. Ayon kay Jun, hinihintay na lang ni Gladys ang processing ng lisensiya niya para makapagmaneho na siya sa Amerika. Kaya for the meantime, madalas ay nagsa-subway sila from Jersey City, kung saan sila nakatira, to Manhattan kung saan naman located ang opisina ng business ni Phillip. Pagdyi-gym, pagsa-shopping, at pamamasyal daw ang pinagkaabalahan ni Gladys sa Amerika. Kaya habang nasa opisina at nagtatrabaho ang kanyang kasintahan ay madalas namang rumarampa ang comedienne na pasumandaling iniwan muna ang kanyang showbiz career. Hindi pa alam ni Jun kung kailan uuwi ng Pilipinas si Gladys para muling harapin ang kanyang showbiz career. Pero malamang ay sa Amerika raw magse-celebrate ng Pasko ang kanyang alaga kasama ang pamilya ni Phillip, na balita namin ay tanggap na tanggap si Gladys. Three months na si Gladys sa Amerika at ayon sa kanyang manager ay hindi totoong buntis ito gaya ng napapabalita. - Philippine Entertainment Portal