Ex-MTB idol Mark Cortez steps out of the closet
Matagal nang bulung-bulungan ang tungkol sa tunay na kasarian (gender) ni Mark Cortez, isa sa mga nanalo sa TV Idol ng Magandang Tanghali Bayan (MTB), ngunit ngayon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang aminin ang katotohanan. Ilang beses na rin siyang nag-deny sa tanong na âBakla ka ba?" ngunit sa exclusive interview sa kanya ng Entertainment Live noong October 27, buong tapang na niyang sinabi na, âYeah. Of course. Iâm proud to say that I am [gay]." Inamin ng dating host ng MRS (Most Requested Song) na nahihirapan na rin siyang itago pa ang katotohanan kung kaya nagpasiya na rin siyang mag-out of the closet. Kuwento pa ni Mark, âSiguro ito na talaga yung time kasi minsan napapaaway na ako dahilâ¦Kasi may G4M sa chat na lahat kayo puro [bisexual] at puro gay. Nag-member ako, parang nakipag-chat-chat ako. Tapos sabi nila sa akin, âDi ba si Mark ka? Bakit nandito ka? Akala ko ba ganito? Akala ko ba ganito ka? Tapos dine-deny mo pa.â âMinsan napipikon ako na parang, âE, ano naman ang pakialam nâyo?â Parang ginaganun ko. Tapos ayun nasabi ko na parang nahihirapan na rin ako. Tapos may mga kaibigan din ako na nagsasabi sa akin na parang, âKapag may chance ba sasabihin mo?â [Sagot ko], âOo.â Hindi ko naman ide-deny. Masaya ako, happy ako." Dagdag pa ni Mark, hindi rin siya makaamin noon dahil sa respeto niya sa grupo niya na TV Idol. Aniya, âAng hirap kasi, minsan sinasabi ko sa manager ko, âSabihin na kasi para matigil na yung mga isyu noon pa man.â Sabi niya, âHuwag ngayon.â Kasi siyempre parang yun ang inaano sa iyo, matinee idol." Nang tanungin kung matagal na niyang na-realize ang kanyang pagiging bakla, sinagot ng dating Qpids member, âHindi naman ever since kasi noong high school ako nagkaroon ako ng girlfriend. Okay naman. Tapos noong pagpasok ko nung⦠Hindi ko ine-expect na papasok ako sa showbiz, doon ko na-realize na ang dami pa lang cute sa showbiz. Tapos yun nga nasabi ko, âEto na, dito na talaga ako belong.â" A FRIEND'S SUPPORT. Sa kanyang pagtatago, malaki ang pasasalamat ni Mark sa kaibigang si Cherry Lou dahil sa suportang ibinigay sa kanya. Ayon kay Mark, âAng tawag ko sa kanya 'goddess,' ang tawag niya sa akin 'gorgeous.' Sobrang natutuwa ako kay Cherry kasi siya lang talaga yung nag-text sa akin, âHoy, mare, nandito pa rin ako.â Parang sabi niya kahit anong isyu ang dumating sa akin. Kaya sobrang thankful ako nagkaroon ako ng kaibigang kagaya niya." CONFRONTATION WITH MOM. Sa kabila ng kanyang pagladlad, kinakabahan pa rin si Mark dahil hindi pa rin niya ito nasasabi sa kanyang ina na nasa ibang bansa. Gayunman, naniniwala naman siya na maaring nararamdaman na rin ng kanyang ina ang tungkol sa tunay niyang sexual preference. Pahayag ni Mark, âPero may idea na siya kasi lagi na niya akong tinatanong pero di pa namin napag-uusapan, uuwi pa naman siya sa November 28. Kinakabahan ako pagkatapos nito. Sa mother ko talaga ako magso-sorry." At kahit na malaman ng kanyang ina ang katotohanan ay itutuloy pa rin daw ni Mark ang kanyang pangako sa ina. Pabiro niyang sinabi, âSana kahit ganito, nalaman mo na ano pa rin, bibigyan ko pa rin siya ng anak. Iyon ang sabi niya sa akin, bigyan ko siya ng anak, kaso hindi pa ako ready mabuntis." Pahabol pa niya, âBasta mag-uusap na lang kami, kakausapin ko talaga siya. Alam ko na alam niya rin ito, tinatago niya lang." Ngayong isinapubliko na ni Mark ang kanyang pagiging bakla hinihiling niya na sana ay patuloy pa rin ang pagrespeto sa kanya ng mga tao. Upang patuloy na makuha ang respeto, sinabi ni Mark na, âKaya sabi ko nga sa sarili ko hindi ako lalabas ng bahay namin ng nakapambabae, hindi ako lalabas sa bahay namin ng naka-makeup, hindi ako lalabas sa bahay namin na parang ang landi-landi ko. Mas rerespetuhin ako ng tao, feeling ko, kapag ginawa ko yun, normal ko pa din." At huling paalala niya sa publiko, âGanun pa rin ako na parang MTB days pa rin na nagpapatawa, kenkoy, pero wala nang tinatago." - Philippine Entertainment Portal