Angel Locsin enters Pinoy Big Brother house as guest
Amidst speculation and the unwanted news, pumasok na rin ang young actress na si Angel Locsin last Sunday night, November 25, sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Kaso, baka makaagaw ng atensiyon ang pagpasok ng isa pang celebrity this weekâa much bigger oneâang international hip-hop singer na si Akon. Lumabas ngayong araw na ito, November 26, mula sa mga publicist mismo ni Angel na baka ma-preempt ang pagpasok ng young actress sa Bahay ni Kuya dahil naunahan na raw ito ng balita. Dahil advanced writing nga ang ginagawa sa diyaryo, hindi na nahabol na makorek ng publicists ni Angel ang kanilang mga naisulat sa columns nila dahil kagabi nga ay pumasok na ang young actress, na hindi agad nakilala ng mga natitirang housemates. Kakaiba kasi ang pasok ni Angel sa Big Brother house. Para siyang sniper at pinagbabaril ng paintball ang mga male housemates. Later na lang siya nagpakilala, to the surprise of the housemates. Nakibalita kami kung ilang araw ang itatagal ni Angel sa bahay. Ayon sa nakausap namin, limang araw lang daw sa loob ng Bahay ni Kuya ang dating GMA-7 artist. Hindi raw sigurado kung puwedeng maging regular housemate si Angel dahil bukod dito, nagsisimula na siyang mag-taping for Lobo with Piolo Pascual at balita ring she is undergoing a series of acting workshops under director Ms. Laurice Guillen. - Philippine Entertainment Portal