ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez is Aliw Entertainer of the Year


Kinilala ng Aliw Awards Foundation, Inc. (AAFI), ang mga artista na nagtatanghal nang live onstage at sa concert scene. Noong Miyerkules, November 28, ay idinaos ang 2007 Aliw Awards sa Palacio de Manila, Roxas Blvd., Malate, Manila. Nagsimula ang nasabing awards night ng alas-otso ng gabi. Unang-una naming nakita pagpasok pa lang ng venue ang magkasintahang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, na nakaupo sa table malapit sa entrance na kasama ang ama ni Regine na si Mang Gerry. Pagpunta namin sa harap ay napansin agad namin ang aktres na si Beth Tamayo na nakakulay pulang damit. Member pala siya ng Board of Trustees at presentor din ng gabing 'yon. Habang kami ay nasa tabi malapit sa stage ay napuna naming taranta ang ilan sa mga miyembro ng AAFI dahil sa kakulangan ng production staff, kung kaya't ang ilang miyembro na mismo ang paikot-ikot para tawagin ang mga presentors at awardees. Kahit nga mismo ang mga hosts na sina Richard Reynoso at Sharmaine Santiago ay nalilito rin dahil sa paiba-ibang script, kaya't dinadaan na lang nila sa pagpapatawa. Gayundin ang ginawa ng co-host na si Vice Ganda at co-host presentor na si John Lapus. Hindi na nila sinunod ang script at nagpatawa na lang habang naghu-host sila ni Sharmaine. Dahil sanay sa impromptu performances ang mga stand-up comedians na ito, nag-click sila sa audience. Maraming performers ng gabing iyon, pero hindi dumating ang isa dito na si Sitti Navarro. Sa dami ng performers ay tumagal ang nasabing awards night hanggang alas-dos ng umaga. Bumilib nga kami kina Regine at Ogie, dahil kahit halatang antok at pagod na ay nag-stay pa rin sila doon sa venue. After ng show ay hindi naman agad sila nakaalis dahil sa nagpakuha pa ng souvenir picture ang mga miyembro ng AAFI. Ang Asia's Songbird ay kinilala bilang Entertainer of the Year at Best in Major Concert (female category) para sa kanyang 20th anniversary concert aptly titled Twenty. Ito ang kauna-unahang Entertainer of the Year award ni Regine mula sa Aliw Awards. Ang songwriter naman na si Ogie ang napili bilang Best in Major Concert (male category) para sa kanyang Komikonsierto. Proud naman ang presentor na si Judy Ann Santos nang iabot niya ang tropeo sa nanalong male Best Emcee, na walang iba kung hindi ang kanyang boyfriend na si Ryan Agoncillo. Hindi namin nakitang pumanhik ng stage si Toni Gonzaga nang i-announce ang pangalan niya na nanalong female Best Emcee. Lifetime Achievement Awardees ang PETA kasama rin sina Rico Puno, Willie Nepumuceno at Annie Brazil na pare-parehong hindi nakarating, dahil sa commitment nila sa ibang bansa. Hall of Fame awardees naman sina Paolo Bediones (Best Emcee) at Miguel Villareal Aguila (Best Child Performer). Special Awardees naman sina Ligaya Fernando-Amilbangsa, Boy Camara, George Yang, at ang Retrospect. Ang iba pang mga nanalo para sa 2007Aliw Awards ay ang sumusunod: Best Performers in Hotels, Music Lounge and Bars Male: Reuben Laurente Female: Sitti Navarro Group/Standard: Retrospect Pop: Shane The Brown Union Best Performers in a Concert Male: Eric Santos Female: Nina Group: Bamboo Collaboration in a concert: Ayen Munji-Laurel and Raymond Lauchengco for The Best of Us Best Musical Director: Soc Mina for Nina Sings very Manilow Best Concert Stage Musical Director: Ernie Duque for Nina Sings very Manilow Best Choral Group: Ramon Magsaysay High School Chorale (Manila) Best Dance Company Classical/Contemporary: Quezon City Performing Arts Modern: Air Dance Company Best Cultural Group: Bungkos Palay of Nueva Ecija Best Stand-Up Comedy Act Male: Pooh Female: Candy Pangilinan Best Instrumentalist Mary Ann Espina - Piano Best New Artist Male: Rox Puno Female: Yeng Constantino Best Stage Director Musical: Arthur Casanova - Godspell Non-Musical: Felis "Nono" Padilla - Belong Puti Best Non-Musical Production: Belong Puti - PETA Best Musical Production: Tao - Pixel Best Stage Actress Musical: Ana Feleo - Godspell Non-Musical: Joy Soler de Castro - Walang Himala Best Stage Actor Musical: Vince Tañada - O Moises Non-Musical: Roeder Camañag - Just Call Me, Flory/Forever Best Classical Performers Male: Ramon Acoymo Female: Alegria Ferrer Best Child Performer: Julia Abueva - Philippine Entertainment Portal