Aga Muhlach wants to build school for poor kids
Isang maagang pamasko ang inihandog ni Aga Muhlach at ng Jollibee food chain para sa mga kabataan ngayong taon. Kahapon, December 6, ang hudyat ng pagsisimula ng taunang book-and-toy drive ng Jollibee, ang "Ma-Aga ang Pasko," kasama ang pinakatampok nilang endorser na si Aga Muhlach sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City. Nasa ika-13 taon na ngayon ang nasabing proyekto at sa tinagal na nito, tila nais ni Aga na magkaroon pa ng mas seryosong pangangampanya para sa mas mabuting edukasyon sa bansaâang pagpapatayo ng mga paaralan. Para kay Aga, "Lagi kong sinasabi, hindi naman po talaga ito para sa akin kundi para sa mga kabataan. "Right now, me and my wife are really thinking of... Matagal ko na ring pangarap ito, more than toys and books, we're thinking really of parang... Wouldn't it be nice if may mabalitaan kayo na, hopefully, makapag-partner kami with Jollibee na makapagpatayo ng eskuwelahan naman, di ba?" Karagdagang paliwanag pa ng endorser-actor, "Kasi magtataka ka, sa dami ng mga nakapuwesto sa taas, na hindi ko maintindihan hanggang ngayon kung bakit nagkakahirapan magtayo ng eskuwelahan. Kaya naiisip ko yung mga bata na nandito, kung sila yung nasa kongreso at nasa senado, siguro ang ganda ng takbo ng bansa natin ngayon talaga. Di ba, ang sarap ng feeling ng ganun? "Hopefully, maayos ng lahat ng 'yan. And in God's time, for sure, maayos talaga 'yan. And I believe kapag nangyari talaga 'yan, mas magiging maganda ang takbo ng bansa natin because ang mga batang ito, hindi lalaking mga loko-loko." Samantala, napag-usapan na rin lamang ang mga kabataan, tinanong ng press si Aga kung papayagan ba niya kung sakali na mag-artista ang kanyang kambal na anakâsina Atasha at Andres. "Hangga't nasa poder ko sila, ako ang magdedesisyon. Kapag wala na sila sa bahay ko, bahala na sila kung ano ang gusto nilang gawin, hindi ko na sila pipigilan," mariing sagot ni Aga. Dagdag pa niya, hindi naman daw niya pipigilan ang kambal kung talagang nanaisin nilang maging artista. Aniya, "Wala namang masama roon. Ito ang trabaho ko, ito ang nagbibigay ng pagkain sa lamesa namin kaya hindi ko [pipigilan yun]. Kaya lang, sa akin lang, parang hindi ko nagawa yung makapagtapos [ng pag-aaral]. Gusto ko lang naman makapagtapos muna sila. "But then, kung kaya nilang pagsabayin 'yon, kung gusto nilang magtrabaho talaga, bakit hindi? Hindi ko sila pipigilan, pero tuloy pa rin nila ang pag-aaral nila." Ayon kay Aga, talagang napakahalaga para sa kanya na makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak. Ito lamang daw ang tanging maiiwan niya sa kanyang mga anak at hindi ang anumang kayamanan. Muli pa niyang paalala, "Mag-aaral talaga sila dahil alam nilang wala silang mamanahin sa akin. Sinabi ko na sa kanila, âEskuwela lang ang ireregalo ko sa inyo, wala nang iba pa. " - Philippine Entertainment Portal