Parents of Jennylyn Mercado saddened by her pregnancy
Tuluyan nang nag-iba ang isipan ng magkasintahang Jennylyn Mercado at Patrick Garcia na magpakasal matapos ang kanilang counseling sa Makati Cith Hall noong Huwebes, January 3. Matatandaan na noong Enero 3 ay nalaman ng publiko na mahigit anim na linggong buntis na ang girlfriend ni Patrick na si Jennylyn. Kaugnay nito, nagtungo ang magkasintahan sa Huwes upang humingi ng payo sa ukol sa pagpapakasal. Ngunit matapos nito ay nagbago ang isip ng magkasintahan at sinabi na hindi na muna sila magpapakasal, ngunit itutuloy nila ang pagbubuntis ni Jennylyn. Sa taped interview ng StarTalk noong Sabado, January 5, naikuwento ni Patrick na matapos ang counseling ay naisip niya na: "Siyempre, it's very easy to get married. Napakadali lang niyan. Pero siyempre, we have to be ready emotionally, physically, and siyempre, financially. Siyempre, gusto kong panagutan yung nagawa ko. Pero, first and foremost, pinaka-importante, yun si Jenn at yung magiging baby namin." Ayon kay Judge Selma Palacio-Alaras, ang judge na pinuntahan ng magkasintahan upang magpakasal sana, pinayuhan niya ang magkasintahan na huwag maging padalus-dalos sa pagpapakasal. Paliwanag ni Judge Palacio-Alaras, "Sabi ko sa kanila, determine your priorities. Gusto ba nila magpakasal or ang priority ba nila ay isa't isa or yung baby. So they have decided na marriage can wait. "Mayroon po kasing bagong administrative order ang Supreme Court na all conducts of Civil Marriage must be raffled. So anybody who wants a marriage celebrated by a judge would have to go by a raffle system. So, they cannot just pick whoever judge they want. Kasi ang mangyayari, ira-raffle sa isang judge and then you decide what date you want. So, they cannot just come here and get married. So, imposible na ikinasal sila ngayon." REACTION OF PATRICK'S MOM. Tulad ng ibang magulang, nagulat din ang ina ni Patrick na si Mrs. Bing Garcia nang malaman niyang buntis ang girlfriend ng kanyang anak. Gayunman, tanggap naman niya ang kapalarang ito ng kanyang anak. Sa katunayan, aniya, "Hindi ko nga alam kung excited ako o hindi. Kasi nakita ko, ang dami kasing aabalahin. Ang daming aasikasuhin. Kaya sabi ko, âAno ba yun? Hindi ko pa ma-feel yung excitement.'" Sa kabilang banda, tila pabor naman kay Mommy Bing ang naging desisyon nina Patrick at Jennylyn na di ituloy ang kasal. Paliwanag niya, "Definitely, walang kasalan this year. Siyempre, unfair naman para sa boyfriend ni Cheska [Garcia, Patrick's elder sister]. You know they prepared for it. They have the one whole year going around fixing everything pagkatapos biglang mauunahan pa." Dahil sa naunsyaming planong pagpapakasal, naglabasan tuloy ang balita na baka mag-live-in na lamang sina Patrick at Jennylynâbagay na pinabulaanan ng ina ni Patrick. Aniya, "Palagay ko, hindi. Kasi we're gonna provide for her [Jennylyn]âher own place and everything. Pero I don't think na they're gonna live-in. Pero if she needs company or she need to come to the house. 'Tapos yung mga ganyan. Siyempre, in that delicate stage, we will be there. Pero everything else will be provided for. "Ngayon, I think focus muna nila yung sa baby. And si Patrick naman, more na sa career niya. At saka meron na siyang bagong responsibility. And then siguro, they'll just think of marriage when they're ready." MOMMY LYDIA AND DADDY ROGER IN TEARS Sa balitang pagbubuntis ni Jennylyn, unang-unang naapektuhan ang kanyang adoptive parents na sina Mommy Lydia at Daddy Roger. Sa katunayan, napaiyak pa ang dalawa ng sa kanilang interview sa StarTalk noong Sabado. Ayon kay Mommy Lydia, noong una ay hindi talaga siya pabor sa pagpapakasal nina Jennylyn at Patrick, lalo na sa kanilang relasyon. Ngunit nag-iba diumano ito nang panindigan ni Patrick ang pagbubuntis ni Jennylyn. Kuwento ni Mommy Lydia, "Sa totoo, dati talaga, dahil sa mga negative [issues] tungkol kay Patrick... Pero sa ginawa Patrick ngayon, na pinanindigan niya, naging lalaki siya para kay Jennylyn... Tuwang-tuwa ako at maligaya ako. Kaya Patrick, mahal na kita. At mahalin mo ang aking anak na si Jennylyn. At alam ko naman na kung gaano mo siya kamahal kaya maging maligaya kayo." Hindi naman naiwasan ni Daddy Roger ang pagkadismaya sa nangyari sa kanyang dalagang anak. Malungkot na sinabi ni Daddy Roger, "Ako, may sama ng loob kasi bata pa sila na lumagay ng ganyan. Ang ano ko nga lang, e, iniyakan ko na lang. Yun na nga lang, masaya ka naman. Gusto nila ng ganyan, e, di wala tayong magagawa." Bilang mga magulang, ibinigay rin nina Mommy Lydia at Daddy Roger ang kanilang pagsuporta sa kanilang dalagang si Jennylyn. Kasabay nito ay ang pagbibigay payo nila sa magkasintahan. "Nandiyan na 'yan. Wala akong magawa, kung hindi payuhan sila na magmahalan sila ng mabuti. Mahalin ni Patrick si Jenn. At si Jennylyn, ganoon din. At magsama sila ng mabuti. At mahalin nila yung kanilang anak," paalala ni Mommy Lydia. Samantala, nagpasalamat naman si Mommy Lydia sa patuloy na pagsuporta ng GMA Network sa kanyang anak sa kabila ng biglaang pagbubuntis niya. Matatandaan na magtatambal sana sina Jennylyn at Patrick sa teledrama sa hapon na Maging Akin Ka Lamang ngunit hindi na ito matutuloy dahil sa maselang pagbubuntis ni Jennylyn. Gayunman, nangako ang GMA Network na hindi nila pababayaan ang first Ultimate Female Survivor ng StarStruck. "Nagpapasalamat ako sa GMA. Kay Ms. Wilma Galvante, kay Ms. Annette Gozon, si Ida Henares... Kasi ang sabi nila hindi nila pababayaan si Jenn. Maraming salamat," pahayag ng ina ni Jennylyn. Huling pakiusap pa ni Mommy Lydia, "Kung mayroon nga silang maibigay kay Jen, e, yung kahit na magaan lang na role, yung hindi mabigat, kasi siyempre alam niyo naman yung sitwasyon namin. Breadwinner namin si Jen. Malaking pagpapasalamat ko sa GMA na sana mabigyan si Jen. Mga guesting o kaya kung anuman ang maisip nila para kay Jen." - Philippine Entertainment Portal