Hundreds of fans mob Marimar taping
Another proof that Marimar is still the number one primetime show in Philippine television. Dinumog ng mga taga-Pampanga ang taping ng Marimar noong January 15, sa isang memorial park sa Angeles. Hindi magkandaugaga ang production staff kung paano mapipigilan ang sanlaksang Pampangueño na dumagsa sa location set ng primetime soap nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na ang naging comparison nila sa experience nila ay "daig pa raw ang miting de avance." "Grabe ang mga tao, bata man o matanda, hindi napigilan sa pagdagsa nang malaman nilang nandoon ang cast ng Marimar," kuwento ng isang staff. Halos napuno raw ang lugar at walang magawa ang batalyon ng pulis at barangay tanod na tinawag nila to help out on the problem. Hindi nila alam na kinailangan lang pala nilang iharap sa tao si Marimar. "Sina Marian at Dingdong na ang hinarap namin sa tao para pakiusapan sila dahil hindi talaga kami makakilos. Nagtsi-cheer sila ng Marimar at nang hinarap na ang dalawa para pakiusapan, sumunod naman sila na parang mga bata," aliw na kuwento ng staff. Tinanong daw ni Marian ang mga tao kung mahal siya ng mga ito. Oo raw, sagot ng lahat. Then, dinagdag ni Marian, kung mahal siya ng mga ito, kapag sinabing quiet, dapat quiet lahat. Natuwa ang mga staff na sumunod naman lahat. Pasado alas-tres na ng hapon nang nakapagsimula sila na may before lunchtime call time. Mas dumami pa raw ang mga tao ng bandang gabi at madaming nasira sa park dahil hindi mapigilan ang mga tao kahit isinara na ang gate. Lahat daw ng cast, tinatawag sa mga character names nila sa Marimar. - Philippine Entertainment Portal