ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Francine Prieto accepts another villainess role


Hindi raw nababahala si Francine Prieto sa kanyang pagiging kontrabida sa mga television shows na kinabibilangan niya. Sa bago ngang primetime show na "E.S.P. Nagpaparamdam Sila..." ay muli na namang kontrabida si Francine opposite the lead female star, Iza Calzado. Nag-i-enjoy na nga raw siya sa mga character roles na napupunta sa kanya. "Ang importante naman ay parati akong may trabaho. Kapag may role na kailangan ay higanteng babae, ako agad ang naiisip nila, ‘di ba? Sa totoo lang, I enjoy doing these roles kasi nga may nagagawa kang iba. Napaglalaruan mo. Hindi ka focus lang sa ano ang dapat na role mo lalo na kung bida ka. Kung kontrabida ka, may sarili kang mga kilos. Hindi ka limited kaya enjoy," ang bungad ni Francine na may taas na 5'10". Nagkuwento rin siya tungkol sa pagkakaiba ng roles niya sa mga current TV projects niya. Aniya, "Sa Kamandag nga, with matching costume pa ako kaya alam nila na mapanganib ang role ko. Dito naman sa E.S.P. isa akong ambitious na news reporter na karibal ni Iza sa magkaibang TV station. Dito naman, mas makikita nila ang katarayan ko sa kilos at dialogues as in...Maiinis sila sa akin dito kasi maldita kung maldita ako rito! Pero medyo sweet pero maldita talaga!" tawa ng aktres. Muli nga silang nagkatrabaho ni Iza pagkatapos ng ilang taon. Huli silang nagkasama sa primetime show na Etheria: Ang Ikalimang Kaharian ng Encantadia (2005). Kung noon ay mabibilang lang ang mga eksenang magkasama sila, dito sa E.S.P. ay parati mas madalas na sila magka-eksena. "Nagtatarayan pa rin kami sa mga eksena!" ang kuwento niya. "Sa Etheria kasi, parati akong galit doon. Pinag-iinitan ko sila. Dito sa E.S.P., mainit pa rin ang ulo ko Iza! Sabi ko nga, eh, never akong bumait sa mga roles ko. Parati akong maldita. Subalit hindi naman daw sila ganoon ni Iza sa totoong buhay. Ang sabi ni Francine, "Pero off-camera naman, okey kami ni Iza. May chance na kaming magkuwentuhan na. Kung noon, wala kaming time, puro hello at hi lang, kasi magkakaiba ang mga eksena namin. Ngayon, sobrang may oras na kami para mag-tsikahan." Sa Valentine's Day nga raw ay walang ka-date si Francine. Baka raw ang family ang makasama niya sa araw na iyon. "Naku, ilang Valentine's Day na ba akong walang date? Matagal na pala. Okey lang kasi wala nga akong boyfriend, ‘di ba? Minsan naiisip na baka ang mga boys intimidated na sa akin. Malaki na nga ako ‘tapos mga kontrabida pa ang roles ko. Baka natatakot na sila sa akin! Naku, sana huwag naman. Kung sino makaalala na humingi ng date sa akin, available ako anytime," pagbibiro pa ni Francine. - Philippine Entertainment Portal