ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bulacan councilor introduced in My Best Friend’s Girlfriend


Alex Castro, a commercial model and councilor in Marilao, Bulacan, will have his first movie appearance in GMA Films and Regal Entertainment's My Best Friend's Girlfriend as one of Richard Gutierrez's friends. A protégé of Regal producer Roselle Monteverde-Teo and DMV Entertainment boss Manny Valera, the 22-year-old politician from Bulacan was supposed to have his movie debut in Regal's Manay Po 2, which originally targeted a January 2008 showing, pero dahil sa delay sa production, revisions of scripts, at pati na rin sa cast changes, naurong ang shooting schedules. "Biglaan lang ito, hindi ko nga alam may shooting na pala ako," sabi ni Alex sa huling press con ng pelikulang My Bestfriend's Girlfriend. Nakapag-shooting na rin daw siya sa Manay Po 2. "Ang saya. Parang dito...kaya lang kakaibang director talaga si Direk Joel [Lamangan of Manay Po 2]. Nang dumating ako sa first shooting day, kabado talaga ako," ang kuwento ni Alex. Naitanong namin kay Alex kung ready ba siyang magpa-sexy dahil isa sa mga eksena sa Manay Po 2 ay naka-briefs lang siya. "Oo nga, e, kinakabahan ako. Pero comedy naman ang dating nung eksena. Baka kailangan ko pang mag-gym," sabay tapik niya sa kanyang tiyan na flat naman. Hindi magiging hindrance ang shooting niya sa trabaho niya sa kanyang mga gawain as councilor sa Marilao dahil ini-schedule niya naman daw ang mga shooting niya kapag may libre sa kanyang schedule. Hindi pa rin alam ni Alex kung itutuluy-tuloy niya ang showbiz career niya, he will see daw when he gets there. - Philippine Entertainment Portal