Cristine Reyes dates Dennis Trillo on Valentine's day
Hindi itinanggi ni Cristine Reyes sa presscon ng Ate kahapon, Pebrero 21, na nag-date sila ng ex-boyfriend niya na si Dennis Trillo noong Valentine's day. "Oo nga, e. Hindi ko rin kasi alam na magde-date kami. Biglaan lang âyon. Super late na nga âyon, e. Katatapos ko lang mag-jogging sa Sports Center noon, so wala, pahinga na ako sa bahay. Matutulog na ako actually. Nakaligo na ako. âTapos biglang nag-text [si Dennis], âAno'ng ginagawa mo? Pagod ka na ba?' Sabi ko, âHindi, okay lang naman.' âGusto mo bang lumabas?' âSige, sige,' sabi ko," kuwento ni Cristine. Ayaw ipabanggit ni Cristine kung saan sila nag-date ni Dennis somewhere in Makati. Nag-usap at nagkumustahan lang daw sila, pero walang balikang naganap. "Hindi rin naman po âyon pagpaparamdam dahil hindi n'yo lang alam na nag-uusap naman talaga kami," pagsisiwalat ni Cristine. Napagkasunduan ba nila ni Dennis na magkaroon ulit ng relasyon? "Hindi," mabilis na sagot ni Cristine. "Masyadong madalian naman. Kasi alam naman ni Dennis na sa ngayon, ayoko munang magkaroon ng relasyon dahil unang-una, gusto ko munang asikasuhin itong career ko. Dahi siya, established na siya, di ba? Sinabi ko naman âyon sa kanya. Sinabi ko sa kanya, âKung magiging tayo, tayo talaga in the end." Para yayain ka ng isang lalaki sa isang napaka-espesyal na okasyon gaya ng Valentine's day ay may ibig sabihin âyon. How does it feel na special pa rin siya kay Dennis? "O, e, di good, di ba?" natatawa niyang sabi. "Kasi kahit papaano, espesyal din naman sa akin si Dennis. Hindi na mawawala âyon." Sa tingin ba niya matatanggap ng ina ng anak ni Dennis na si Carlene Aguilarâna minsan na rin niyang nakaengkuwentroâkapag naging sila ulit ng matinee idol? "Ah, ayokong pag-usapan âyan dahil kami ni Carlene, okay kami and ayoko na magkaroon ng kahit anong isyu na naman sa amin. Mahirap na," aniya. Sa pag-amin ni Cristine na espesyal pa rin sa kanya si Dennis, marami ang naniniwala na magkakabalikan silang dalawa. Ano ang reaksiyon dito ng dalaga? "Hindi rin," tanggi ni Cristine. "Basta ako, kung kailangan niya ako, may problema siya, nandito ako sa kanya. And ganun din siya sa akin. Pero wala kaming commitment." Sabi pa niya, "Nandito lang kami sa isa't isa para suportaha. Kasi aminado naman kami sa isa't isa na gusto pa rin namin, e. Kaya lang, maraming problema na hindi kami talaga puwedeng maging kami agad ulit. Mahirap, e. Hindi dapat madaliin. Time will tell and sa ngyaon, priority namin ang work namin. Ako, work. Siya work din and yung anak niya. Sinabi ko sa kanya âyon kasi ano, e, baby pa lang. Sabi ko asikasuhin niya muna." NO TO WILLIE. Kung ang nali-link din kaya sa kanya na si Willie Revillame ang nag-invite sa kanya na i-date siya nung Valentine's day, sasama ba siya? "Hindi po," mabilis na sagot ni Cristine. "Dahil ano, e, alam din po ni Willie na hindi pa ako ready to go sa isang relasyon ulit. Dahil alam mo âyon? Kung dito kay Dennis magulo, what more pa yung sa kanya? E, Willie Revillame na siya." Legally, binata na naman ulit si Willie kaya kahit paano, hindi na problema kung ligawan nga siya ng TV host. "Single po ulit siya, pero mahirap po na karelasyon niya, sa status niya. Yung ganyan pa nga lang po na hindi niya ako nililigawan at hindi rin kami, ang dami kong naririnig na may nagsasabi sa kanya na ganyan, ganyan, ganyan. Sabi ko, âAlam mo kung naniniwala ka sa kanila, paniwalaan mo. Wala akong pakialam. Basta ako, âeto ako, ginagawa ko ang trabaho ko.'" Type ba niya si Willie? "Hindi, hindi rin," iling pa ni Cristine. "Diniretso ko na siya tungkol diyan." Ano naman ang sabi ni Willie sa kanya? "Kasi kami ni Willie, talagang... Nag-Guam kami, ang dami na naming napagsamahan, e. Naging close na rin kami. Pero alam niya na ayoko pang magka-boyfriend, and alam niya na focus ko muna yung career ko. Kasi hindi n'yo kami nakikita kung paano kami sa isa't isa kapag magkasama. Actually, para lang kaming magbarkada. "Diniretso ko siya. Sabi ko, âAlam mo, ayoko kasi munang mag-boyfriend. Gusto ko munang mag-focus sa work.' Alam niya po âyon. Pero still, andiyan pa rin po siya. Sabi niya, âOkay, sige friends tayo.' E, di friends. Pero huwag daw ako mag-deadma-deadma sa kanya. "Lagi ko pong sinasabi na hindi ko siya type," patuloy niya. "Nagibiruan kami palagi niyan kapag magkasama. âHoy, hindi kita type, âno!' Ganun ako sa kanya. Sasabihin naman niya sa akin, âHindi rin kita type! Ang suwerte mo!' Lagi kaming nag-aasaran. "Hindi biro âyon, seryoso ako noon. Minsan seryoso ako sa kanya na sasabihin ko, âFriend lang ang mai-offer ko sa âyo.' Kapag sobrang nakulitan ako sa kanya, âHay, tumigil ka na nga!' Tapos okay, after ilang days, walang paramdaman âyan. Tapos ayan na naman, ganun lang. "Hindi naman siya nanliligaw, pero yung ginagawa niya, parang nanliligaw. Pero sabi niya, hindi raw siya nanliligaw. E, pero ewan ko ba, ha? Kasi may narinig ako, sabi niya, âHindi pa ba ako nanliligaw nung lagay na âyon?' "Kasi hindi naman niya sinasabi sa akin kaya ayoko ring magsabi. Marami pong nagsasabi na parang pinaglalaruan ko nga raw ang press. Kasi deny daw ako nang deny about sa amin. E, ang totoo hindi naman talaga kami," pagtatapos ni Cristine. - Philippine Entertainment Portal